16

191 5 0
                                    

"Saan ka ba kasi pumunta?" tanong ni Fabius na talagang sinundan pa ako hanggang sa kwarto.

"Sa kabilang buhay, umalis ka nga naiirita ako sa mukha mo." Nilapag ko ang coat na sinuot ko sa kama kanina nang gumala kaming tatlo nila Ravier sa kung saan. 'Yun din ang dahilan kaya ako ginabi ng uwi na ikinagagalit ng lalaking ito.

Feeling boyfriend. Kapal ng mukha.

"Mara..."

Minatahan ko siya paglingon ko. "'Wag kang mag-aktong parang may label pa tayo Fabius dahil magmula ng lumitaw ka, wala na. Isa ka na lang masamang ala-ala para sa'kin sa tuwing nakikita kita."

Harsh na kung harsh pero kung ito lang din ang magpapaalis sa kanya, uulit ulitin kong gagawin at ipaparamdam na hindi ko siya kailangan dahil 'yun ang dapat.

"Mind your own business."

▪▪▪

People are amazed when the bride enters the church, the flash of the cameras makes her more astonishing as her white veil flows through her wedding dress. The birds chirp as if they are singing and when the wind blows I gasp in the mixed emotions I am feeling right now.

Hindi ako ang ikakasal pero parang mas emosiyonal pa ako kay Ate Iona na ngayo'y naglalakad na palapit sa altar. Sa rami ng taong pinapanood siya ngayon, halata sa kanila ang saya.

Kahit itanggi ko, masaya ako para sa kanila dahil ilang taon din silang magkarelasyon bago ikasal. Kung siguro walang nangyari sa nakaraan, baka mas matindi pa ang saya ko para sa kanilang dalawa.

"Ang ganda talaga ni Ate Iona diba Ate Mara?" nakangiting tanong ng isa sa mga kasama kong brides maid. "Sana ako rin ikasal ng ganito kaganda," dagdag niya pang saad.

I smiled. "Yeah... she's stunning."

Sa paglingon ko sa kabilang banda, nagtama ang tingin namin ni Fabius na kaninang kasabay ko sa paglalakad palapit sa altar. Wala lang sa'kin ang lahat kanina pero mukhang dahil sa kanta'y bumalik ang ala-alang limot ko na.

"Saan mo tayo gustong ikasal?" tanong ko kay Fabius na tumigil sa pagsusulat sa notebook niya.

Tinignan niya pa ako na parang nag-isip habang ako'y tinitigan siya't hinintay ang magiging sagot nito.

"Sa simbahan."

"Ayaw mo ng garden wedding?"

"Bakit gusto mo?" balik niyang tanong. Tanging pagtango ang sagot ko kaya ginulo nito ang buhok ko.

"Ang ganda raw ng garden wedding pero ayos lang din naman ang simbahan. Pero... kung papipiliin ka na isa lang, simabahan pa rin ba ang pipiliin mo?" Umayos siya ng upo at hinarap ako ng maayos.

He smiled. "Oo naman, simbahan pa rin dahil gusto kong iharap sa altar ang babaeng mahal ko. Maganda nga ang mga garden or beach wedding pero iba pa rin kapag sa simbahan."

Hinawakan niya ang isa kong kamay. "Kasi para sa'kin... upang tumibay ang pagsasama ng dalawang tao dapat nakasentro sa kanila ang Diyos palagi. Kapag nagawa na nila 'yun wala ng kung sino man ang makakabuwag sa dalawa. Kaya kung papakasalan kita, gusto ko sa harapan niya kasama ang mga mahal natin sa buhay. Pwede naman tayong ikasal ulit kung may pagkakataon pero mas maganda talaga kung sa simbahan ang mauunang kasal. I consider it pure because we promise in front of a man who can guide us to our own happiness with our own family in the future."

"Hindi ko naintindihan ang huli mong sinabi pero sige, sa simbahan tayo ikakasal sinabi mo 'yan."

"Hahaha... oo naman, I promise Xiomara to give you my last name and to have children with you."

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now