27

195 7 0
                                    

His warm hug welcomed me when I got home. Sa paraan ng pagkakayakap niya para bang matagal niya akong hindi nakita kahit na parang dalawang araw lang naman ang lumipas.

"Hindi ka umuwi sa inyo?" tanong ko na nakayakap pa rin sa kanya. Bago kasi ako umalis sinabi kong umuwi muna siya lalo na't wala sila Shaun dito sa bahay.

"Nakauwi naman na ako, ah." Umirap ako sa hangin sa sagot niya't kumalas sa yakap.

"Huwag mo akong simulan sa mga corny mong banat."

"Bakit? Kinikilig ka na ba? Bumibilis ba yung tibok ng heart mo? Kinakaba--" I cut him off by kissing him on the lips that left him in shock.

"Marami kang sinasabi... maghanda ka ng pagkain nagugutom ako. Ilalagay ko lang sa kwarto ang mga gamit ko," sabi ko bago siya iwan. Masyado ata siyang nagulat sa ginawa ko, maski naman ako gulat.

Baliw ka talaga, Xiomara.

Pabagsak akong humiga sa kama pagpasok ko sa kwarto at paglapag ng gamit sa mesa, napagod ako sa panonood ng pag-aaway ng kambal. Pano ba naman... tinuruan kami ni Ravier kung pano gumawa ng dalgona candy kasi nga sa squid game na 'yan na kahapon lang namin pinanood.

Late na nga kami sa trend pero ayos lang, so 'yun nga nakailang beses kasing sunog itong si Ryla ng kanya kaya natawagan siya ng kambal niya na tanga. Eh, syempre kapag ganun na ang lumalabas sa bibig ng dalawa matik na magsisimula na ang away. Nakipag-chikahan na lang tuloy ako sa mga kasambahay nilang love na love ako.

'Yan ang sabi nila, malay ko ba.

Paggilid ko, tuloy-tuloy akong napaubo na nagpaupo sa'kin agad dahil sa sobrang sakit nito sa aking dibdib sa bawat pag-ubo ko. Huminga pa ako ng ilang beses habang pilit na inaalis sa aking isipan ang sakit kahit na parang hindi na ito maaalis.

"Mara, nakahain na ang pagkain!" rinig kong sigaw ni Fabius sa labas. Kahit na parang nahihirapan ako dahil sa aking pag-ubo, inabot ko pa rin ang bottle ng tubig sa mesa at tuloy-tuloy itong ininom na parang mas nagpalala lang.

Binaba ko ang bote sa mesa't ilang segundong hinintay na huminto kahit papaano ang aking pag-ubo. Nang masiguro kong ayos na ako ulit, doon pa lang ako lumabas.

"Ginagawa mo d'yan?" may pagtataka kong tanong kay Fabius na nakasandal sa labas, malapit lang sa pintuan.

"Huh? Ah... wala, kain na," sagot nito na nagpaunang maglakad patungo sa kusina. Pinanood ko pa siya dahil halata sa mukha niya ang pagkaseryoso.

He heard it.

Tahimik na lang akong sumunod sa kanya at hinayaang ipaghain ako ng pagkain pag-upo ko. Sa bawat galaw niya, para bang may gusto siyang sabihin dahil makailang iwas ito ng tingin sa akin.

"About pala sa concert... nagpa-reserve na ako ng hotel sa Manila kasi mahirap daw kapag hindi agad tayo nagpa-reserve. Marami kasing mga pumupunta roon dahil magki-christmas," sabi nito para siguro alisin ang katahimikan sa paligid.

Kumuha ako ng watermelon na nahati na sa gilid ko na aking kinain. "Bakit hindi na lang sa bahay niyo sa Manila?"

He stopped because of my question but I didn't care as I continued what I was saying.

"You promised once na dadalhin mo ako, siguro naman ngayon na ang panahon para pumunta. Sayang lang kasi makakapunta na sana ako doon pero hindi natuloy dahil nga hindi ko naman alam kung saan 'yun noon," natatawa kong sabi bago sumubo ulit ng panibagong watermelon.

Hindi pa rin siya umimik. He was silent and maybe thinking what was the best answer he could give me. Because at this point, we both know that I only go to Manila once and that's the day my life was ruined by his lie.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now