EPILOGUE

676 14 5
                                    

Fabius Arcega's POV.

Kinuha ko ang palunpon ng bulaklak sa ibabaw ng mesa bago lumabas ng opisina.

"Pupuntahan mo siya?" tanong ng assistant kong si Rose ng maabutan ko siyang papasok sa kanyang opisina na katabi ng akin.

"Oo, pakitingin na lang ng drafts na ginawa ko. Pakiayos ang color shading ng drawings, titignan ko mamaya. Kailangan nating umabot sa due date, baka marami na namang mga readers ang magalit sa hindi natin pag-update on time," natatawang sagot ko.

"Ako na ang bahala, alalahanin mo next week ang interview mo, ah. Gusto raw nilang ma-interview ang taong gumawa ng comics na umabot sa iba't ibang bansa. Ang galing naman kasi ng drawing mo, 3d ang datingan."

Natawa na lang ako sa sinabi niya't nagpaalam na umalis. Dumiretso na ako sa parking lot para puntahan siya. Ayoko pa man din siyang pinaghihintay dahil malamig ang lugar kung nasaan siya ngayon.

Binaba ko ang bulaklak sa katabi kong upuan saka nagmaneho papunta sa destinasiyon ko. Habang papunta ako roon, napakaaliwalas ng panahon kahit hapon na. Marami na ring nagbago makalipas ang anim na taon.

At sa ilang taon na 'yon, sinubukan kong magpatuloy kahit wala na siya.

Hininto ko ang sasakyan saka kinuha ang bulaklak bago bumaba. Siniguro ko munang na-lock ko ang pinto dahil ayaw kong matulad muli ang nangyari kamakailan. Sa sobrang busy ko, nakalimutan kong i-lock ang pinto ng kotse kaya ang ending nanakawan ako.

Ito ang hirap minsan sa Manila. Maraming mga kawatan kaya dapat mag-ingat talaga.

"Gusto ko po sana siyang bisitahin," bungad kong sabi sa isang janitress na kilala na ako.

Natigil siya sa paglilinis at ako'y nilingon. "Ikaw pala 'yan, Fabius. At talagang nagpaalam ka na naman sa akin. Puntahan mo na siya, nilinisan ko ang lugar niya."

"Syempre po, sige po kita na lang po ulit tayo mamaya."

Tanging pagtango ang sinagot niya kaya naglakad na ako papunta sa kanya. Napakatahimik ng paligid at tanging simoy ng hangin ang sumasalubong sa akin. Pagdating ko sa isang pinto, sumilip ako't tinignan siya.

"Mali, relax your fingers. 'Wag kang magmadali, kailangan mong damhin ang pagtugtog. Sige na, simulan mo ulit mula umpisa," may awtoridad niyang sabi.

Napangiti ako dahil sa seryoso nitong mukha na hindi masyadong nakakatakot. Sumandal ako sa gilid at pinagmasdan pa rin siya.

She look so beautiful mula rito. Naggo-glow siya ngayong tumatama ang sinag ng araw sa kanya. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa mata niyang hindi ako nagsasawang tignan.

She might not have long eyelashes, but her eyes are so bright. Once she lays her eyes on you, you can only think of the word beauty.

Kaya kahit na sino pa ang dumating, wala nino man ang papalit sa kanya. From the first day I saw her until now, no one can replace her because she is a gem for me that is irreplaceable.

"Ms. Mara, may pupuntahan pa po kayo diba?" sabi ng studyante niyang babae na huminto sa pagtugtog sa piano.

Tumingin siya sa suot niyang wrist watch tiyaka binalik ang tingin sa studyante. "Ang galing, ah. Pano mo nalaman?"

Tumawa ang studyante. "Kanina pa po kasi nasa labas ang manliligaw niyo. Narinig ko po kasi nung isang araw na susunduin niya kayo ngayon."

Napatingin silang dalawa sa akin kaya umayos ako ng tayo. Kumaway pa ako bago buksan ang pinto.

"Nako... Sab, chismosa ka rin noh? O siya, ituloy na natin 'to sa susunod. Tandaan mo ang sinabi ko, malapit na ang competition mo."

"Yes po, enjoy po kayo sa date niyo. Bye Kuya Fabius."

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon