14

230 5 0
                                    

"Mara," bungad na tawag sa'kin ni Fabius paguwi ko.

Umaambon ambon sa paligid at basa na ako pero mukhang hindi pa ako ganoong makakapasok sa loob para magpalit.

Gosh, basa na ang gamit ko.  Bakit ba mas nauna pa siya sa'king umuwi? Pinalipad niya ba ang kotse niya?

Lalayo pa lang ako, mas naunahan na ako nitong hawakan sa kamay para pigilan. Tinapat niya rin sa'kin ang payong na hinampas ko sa kanya sa shop para hindi ako mabasa.

Should I be thankful? Sana lang hindi ako magkasakit nito.

"May kailangan ka?" masungit kong tanong bago alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.

He swallowed and looked away. "About what happened earlier... I'm sorry."

Saan doon? Sa paghalik niya nang wala man lang pasabi o yung paggalaw niya ng labi niya?

Wait. What? Nevermind. Kung ano-anong iniisip mo Xiomara!

Bagtit!

"Oo na umalis ka na sa harapan ko nilalamig na ako," inis kong sabi.

"Okay," sabi niya kasunod ng pagyakap niya sa'kin na ikinagulat ko.

Ilang beses pa akong napakurap habang pilit na iniisip ang naging kilos niya. Nang bumalik ako sa reyalidad at itutulak pa lang sana siya, mas nauna na siya sa'king kumalas ng yakap kaya kunot noong tingin ang binigay ko rito.

He smiled. "Nilalamig ka kaya kita niyakap, tara na sa loob?"

Hinawakan niya ang kamay ko na parang walang nangyari at ginayak papasok ng bahay na mukhang kaming dalawa pa lang ang tao dahil sa patay na ilaw sa loob. Hindi niya rin binitawan agad ang kamay ko kaya ako na mismo ang nag-alis bago tuloy-tuloy na dumiretso ng kwarto.

I heard him laugh which makes me feel bad.

Hindi ba dapat samaan ko siya ng tingin at mainis sa tawa niya? Pero bakit parang wala akong naging palag?

Ginulo ko ang aking buhok saka masamang tinignan ang pinto, iniisip na si Fabius 'yon. Kinuyom ko pa ang kamay ko bago sumuntok sa hangin at tahimik na mapasandal sa pinto.

"Bwisit ka, mamatay ka na."

▪▪▪

Paggising ko, si Fabius ang una kong nadatnan sa kusina. Nagkakape ito habang nakaharap sa tablet niya na mukhang may ginagawa. Hindi ko rin maramdaman ang iba na ipinagtaka ko kaunti.

Mukhang hindi sila umuwi.

"Mara, pwede mo ba akong samahan?" biglang tanong ni Fabius nang dumaan ako sa gilid niya.

Hindi ko na sana siya papansinin dahil wala akong balak pero agad akong napahinto nang banggitin nito ang Lolo niya.

"Gusto kang makita ni Lolo."

"Pakisabing busy ako marami akong gagawin."

"He's in a critical condition, Mara bilang na ang araw niya."

Kunot noo kong tinignan ito. Gusto kong tignan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi pero purong seryosong tingin ang binibigay niya sa'kin.

Iwasan ko man, sa loob-loob ko'y nag-aalala ako para sa Lolo niya na noon ay naging close ko nga naman talaga.

I sighed. "Fine para sa lolo mo."

Ngumiti siya saglit bago tumayo habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto para magbihis. Wala akong ganang kumain kaya bahala na kung mamaya ay magutom ako sa daan.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now