21

191 3 0
                                    

Nagising ako sa amoy ng bagong lutong pagkain kasunod ng pagbukas ng pinto. There, I saw Fabius smiling at me. Dumiretso siyang humiga sa tabi ko para yumakap na hinayaan ko lang.

This is how we treated each other before and this is normal for the both of us.

"Anong niluto mo?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Mukha ba akong marunong magluto? Si Shaun ang nagluluto, mag-absent tayo ngayon may pupuntahan tayong anim. But before that... tulog muna tayo." Siniksik niya ang sarili sa'kin at pumikit.

Natawa ako ng kaunti. Yeah... hindi nga pala siya marunong magluto pero magaling siyang mansunog ng niluluto.

I remember the time when he almost blew up the gas stove and started a fire in his grandfather's house. Nilagang patatas lang ang niluluto niya nun pero ganun na ang kinalabasan paano pa kaya kung iba na.

Grabe rin ang galit sa kanya ni Lolo Fabian dahil muntik na niyang masira ang mansion na tinayo niya para sa asawa nito. Kaya magmula nun, hindi na siya pinapapunta sa kusina kahit na manood lang.

"Yeah... I forgot. Swerte naman ng asawa ni Shaun, may taga-luto." Paglingon ko sa kanya, nakanguso siya kaunti at minamatahan ako.

"Culinary student siya Mara... Fine arts student ako."

"Oh? Akala ko ba ayaw mo na?" Hinarap ko siya. "But, good for you at least tinuloy mo."

"Hmm... wala akong maisip na ibang gawin, you know how much I hate math lalo na yung ibang common subjects. Pero ikaw nagsabi sa'kin nun na subukan ko, kaya ginawa ko and I did not regret that," he said.

"May math din naman sa inyo like geometry ba 'yun? Kasi may measurements ang shapes right? At lahat ng course may math," sabi ko na pilit iniba ang usapan.

"Whatever! Matulog na lang tayo muna, okay? Let's cuddle."

'Yan na naman siya sa cuddle niya.

Mas lumapit pa siya sa akin at halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Nakikiliti pa ako sa pagtama ng hininga niya sa leeg ko pero hinayaan ko na lang.

I ran my fingers through his hair which made him smile and so did I. This is one of my favorite things to do, playing with his super dark shoulder length hair that suits his beautiful face.

Dati kapag wala akong magawa, buhok niya ang pinagdidiskitahan ko. Lagi ko siyang tinatalian or sometimes I curl his hair, iron it and play with it until I get tired. Hindi naman siya nagagalit dahil nakakaantok daw kapag pinaglalaruan ko ang buhok niya kaya sige lang.

Meron pa nga one time nagsabunutan kami dahil sa isang pagkain at sila Shaun lang ang nakapigil sa'min. Kung sakaling hindi kami napaghiwalay baka kalbo na siya ngayon. Kaya 'yun ang isa sa dahilan kaya gusto ko ang mahaba niyang buhok, madali ko siyang masabunutan.

Good thing hindi niya ito pinagupit at halatang mini-maintain.

Ilang minuto pa lang itong natutulog nang may pumasok sa kwarto para mambulabog. May dala pa silang mga takip ng kaldero at palayok para gawing paingay. At bago pa man nila ito mapatunog, tinakpan ko na ang tainga ko kaya si Fabius lang ang halos mapatalon sa gulat dahil doon.

"Gising na! Gising na! May pupuntahan pa tayo! Dali! Gising na! Walang forever! Kaya bangon na love birds!" sigaw ni Shaun.

I heard a groan from Fabius maybe because of what they are doing. Inis pa siyang napamulagat saka inis na tumingin sa kanila sa patuloy na pagpapatunog ng mga ito ng kaldero.

Umalis sa pagkakayakap sa'kin si Fabius saka kumuha ng unan na binato nila rito. "Mga gago! Magsilayas kayong mga animal! Panira ang mga gago! Labas!"

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now