7

265 6 0
                                    

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ni Denver na sumulpot na lang sa harapan ko.

Why does his question sound familiar?

I just looked at him and continued what I'm doing pero bago ko pa man mailagay uli ang sigarilyo sa aking bibig, inagaw na niya ito na nagparamdam sa'kin ng inis.

Stress ako kaya ako naninigarilyo tapos lilitaw siya?

Parehas talaga sila ni Fabuis mga pakialamero.

"Nagka-lung cancer si Fabius dahil sa paninigarilyo tapos ginagaya mo siya? Look at yourself, Mara you looked like him. Halika at ipupunta kita sa hospital para makita kung an--" I pushed him away.

I grin. "So what if I look like him? What if I also have lung cancer? May magbabago ba? Wala, kaya tigilan mo nga ako at umalis ka na. Just because I was nice to you and Fabius the other day doesn't mean I forgive you all, kaya pwede? Umalis ka, nabuhay naman ako, kayong hindi pinapakialaman ang isa't isa hindi ba?"

Hindi niya ako pinakinggan at hinila na lang bigla palabas sa eskinita kaya naman pabagsak kong inalis ang kamay kong hawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

I hate when someone I hate the most pops up out of nowhere and then interferes in my quiet life.

"Mara naman!" sigaw niya na akala naman niya kakatakutan ko. Sumingkit ang mata ko at napangisi nang mapagtanto kung bakit siya nagkakaganito.

"You're being like this because of what Ravier said yesterday, right? Guilty ka sa sinabi niyang muntik na akong mamatay," sabi ko at tumawa. Iiling pa akong napahawak sa aking baba bago alisin lahat ng emosiyon sa buo kong mukha.

Even if I try to hide, I know that I can't hide it completely. But the fact that I've been living like this, I think I know how to at least hide my old self. The weak Mara who needs them, where she can't even live without someone to lean on.

I pat him on the shoulder. "Don't be because like you all did, I'm going to disappear but the difference is I'll never come back. Kaya sige lang, ma-guilty ka habang nandito pa ako pero 'wag mong papakialaman ang buhay ko."

"What do you mean?" agarang tanong niya na hinarangan ang aking daan.

I shrugged and gave him a mocking smile. Kung ano man ang isipin niya sa sinabi ko. Nasa kanya na 'yun after all... I am serious about what I said.

Hinawakan niya na naman ang kamay ko saka ako tinignan sa aking mata. Mukha siyang nagmamakaawa kahit wala siyang sabihin, mukha siyang kawawang pusa na iniwan ng sarili niyang amo.

"Yes, you're right. Kung ano mang nasa isip mo tama ka, matalino ka hindi ba? Kaya mukha namang alam mo na ang sagot sa tanong mo. Obvious naman na siguro sa itsura ko, kaya bitawan mo na ang kam--" natigil ako sa pananalita sa bigla niyang pagyakap sa'kin.

Mabibigat na paghinga ang narinig ko mula sa kanya. Kahit itulak ko siya ayaw niya akong pakawalan kaya naman huminto ako at nanahimik. Pinakinggan ko ang mahina niyang pag-iyak na nagpatingala sa'kin sa papadilim na langit.

"I-I-m sorry, Mara. I'm sorry..." Ramdam ko ang luha na papalabas sa aking mata.

I have to be tough but I can't because of them, especially him. I'm ready to disappear but I think I can't already because they came back the moment I realized I just wanted to die slowly.

Shit.

Ginamit ko lahat ng lakas ko para itulak siya saka iwas na tumingin. "Kung gusto mong patawarin kita, better not tell them anything. Lalong lalo na sa kanya or else I'll do something you can't forget, keep that in mind Denver. I'm giving you a second chance, do it right."

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now