20

198 4 0
                                    

"Lola..." tawag ko rito pagpasok ko sa bahay.

Kasama niya sila Ate Iona na pare-parehong may pag-aalalang tingin akong tinignan.

"Saan ka ba pumunta? Alam mo ba kung saan-saan ka namin hinanap?" Lumapit ako sa kanya at umupo para pakalmahin, nginitian ko rin ito bago tignan sila Ate na parang nanibago sa ngiting pinapakita ko.

I caressed her hair. "I'm okay Lola, pumunta lang ako sa isang instrument shop para bumili ng keyboard. Gusto kong mag-practice tumugtog kasi ilang taon din akong hindi tumugtog. Keyboard muna kasi hindi naman kasya ang isang grand piano rito. In fact, um-order na ako at ide-deliver na lang. Ano ang kantang gusto mong tugtugin ko? Classic? Or pwede rin yung mga music ngayon, I just need to practice a little bit para naman hindi parang bata ang tutugtog." Tumawa pa ako ngunit tanging tulala lang na mukha ang nakuha ko sa kanila.

Hindi ko na lang pinansin ang reaksyon nila't mas ngumiti pa. "Lola, can I stop studying for a while? I want to spend time with you, lalo na sa pag-aaral ulit ng piano. I want to build my skills again kahit na parang limot ko na ang ibang keys hahaha..."

"Mara." Hinawakan ni Lola ang kamay ko at parang naiiyak na sa lagay niya. "Don't pretend apo, nasasaktan ako."

Natigil ako sa pagtawa pero hindi naalis ang ngiti sa aking labi. "Okay hindi na ako titigil, let's just have ahmm... hmm... short vacation kaya? Palawan? Maganda raw ang dagat dun, pwede rin tayong mag-hiking sa Baguio pero baka hindi niyo kayanin. Disney? Hahaha... remember the---"

"Tama na Xiomara," pagpuputol sa'kin ni Lola kasabay ng luhang lumabas sa kanyang mata. Naiiyak na umiwas ng tingin ang iba sa akin kasama si Fabius na malakas na napabuntong hininga.

Mahina akong napaubo pero agad ko ring pinigilan lalo na nang tignan ako ni Lola. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka lumapit kay Fabius na nagulat pa sa paghawak ko ng kamay niya.

Pinagtaklop ko ito at ngumiti. "By the way, kami na po ulit ni Fabius kaya dito pa rin po siya nakatira. It's quite funny na masyadong mabilis ang pagbabalikan namin pero alam niyo po Lola? Marami siyang pinagbago at meron ding hindi na nakakatawa talaga--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang yakapin ako ni Fabius na umiyak sa aking balikat.

In a cue, all of the people around me started to cry even Tita Sabel na halatang galit pa rin sa'kin dahil magmula nang pumasok ako'y tahimik lang siya. But her eyes can't lie because they are full of concern.

Kagat labi kong pinakinggan ang mga iyak nila. Halata sa mukha nila ang maraming katanungan na hindi nila matanong dahil sa biglaang pag-iiba ko ng ugali't pagtrato sa mga ito.

I'm doing this because later on, hindi ko na kayang gawin ang mga bagay na gusto nila. Hindi na kaya kailangan kong madaliin kahit na parang hindi ko kayang tratuhin ng maayos ang mga taong naging dahilan ng paghihirap ko.

The man who started it all because of his lies that made my life full with darkness. The man I loved for a long time, Fabius.

"Grabe... iiyak na lang ba kayo? Hindi pa ako patay para iyakan niyo. Sige, mumultuhin ko ang ayaw tumigil," I jokingly said.

Tinapik ko pa ang likod ni Fabius na mahigpit ang pagkakayakap sa akin na parang ayaw na nito akong pakawalan.

"Come on guys, feeling ko tuloy nilalamayan niyo na ako sa mga iyak niyo. I want to spend time with you all kaya tama na..." I pushed Fabius. "And please... 'wag niyong babanggitin ang kagustuhan niyong gumaling ako. Gusto kong makasama kayo bago lumala ang lahat."

Pagkakalas ni Fabuis sa yakap, tumalikod siya't walang imik na lumabas ng bahay habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Sinundan siya ng Kuya nito kasunod si Ate Iona na tinignan pa ako bago sumunod na lumabas.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon