31

243 5 0
                                    

"Xiomara."

Natigil ako sa paglagay ng aking kwintas sa pagtawag at pagpasok ni Fabius sa kwarto. Tinignan ko pa siya sa salamin na ngayo'y naglalakad na palapit sa akin.

"Hmm?" I hummed as I asked him.

Paglapit niya, kinuha niya sa akin ang kwintas at siya mismo ang nagsuot nito sa akin. Inayos niya pa ang nakalugay kong buhok bago ako ngitian.

"Tapos ka na ba? May regalo ako sa'yo sa labas."

"Mamaya mo na lang ibigay pagdating natin sa Manila," sagot ko. Inayos ko ang aking gamit saka tumayo na.

Ngayong araw na kasi mismo ang punta namin. Kung tutuusin dapat kahapon, pero nag-exchange gift kami sa bahay ni Lola kaya ngayon ang napili naming araw.

Mamayang gabi pa naman ang concert mga 8 pm kaya siguro, doon na kami dideretso sa Tanghalang Pambansa. Ang rinig ko, originally hindi naman doon ang venue pero pinalitan nila kaya naging doon ngayon.

Napagpilian naming sa Manila na lang kami magpapalit dahil umaga pa naman, kaya baka gagala rin daw kami muna. Hindi ko nga lang alam kung saan kami didiretso, it's either sa bahay nila o sa isang hotel. Mamaya ko makikita dahil hindi naman ako nagtatanong.

Pagtayo ko, nakatayo pa rin siya sa likod habang ako'y tinititigan. Nakaramdam ako ng kaunting ilang pero nagawa ko pa rin siyang titigan.

Alam ko na ang mga titig niyang 'yan.

"Fine, nasaan?"

Automatic na napangiti siya kaya naman nagpauna akong lumabas ng kwarto habang siya, nakasunod sa akin. Kahit na hindi ko siya makita sa likuran ko, ramdam ko ang excitement na bumabalot sa buong bahay.

Yeah... ganun kalakas ang pandama ko.

Pagpunta namin sa sala, nakita ko ang regalong nakalagay sa ibabaw ng mesa. Nilingon ko pa si Fabius na nginitian ako't parang sinasabi ng mata niyang kunin ko ito.

Kahit na parang nagdadalawang isip, lumapit ako sa mesa't tahimik na kinuha ang regalong nakalagay sa medium size na paper bag.

When I open the bag, a three sketchbook with many paper cranes in a jar are the things that I have seen inside. I even stop looking at it because even if I didn't ask him, he did it by himself.

"Ayaw mo ba?" he asked.

Imbis na sagutin, kinuha ko ang sketchbook saka tahimik na binuksan. Unang pahina pa lang, ramdam ko na ang pamumuo ng aking luha.

He drew me, from the first day I met him to the day we were together. Each page has his date and caption of what I'm doing and a quote he made for me.

"Kailan mo pa ito ginawa?" tanong ko habang pilit na pinipigilang umiyak.

"Magmula noong una tayong nagkita. Dapat noong first year anniversary ko 'yan ibibigay, kaso naisip ko saka na kapag nakatatlo na akong sketchbook. Maganda ba?"

Mabilis akong tumango. "Isa sa pinakamagandang regalong natanggap ko mula sa'yo," halos pabulong kong sagot na nilingon siyang tuwang tuwa ang mata.

Huminga ako ng malalim bago ibalik muli ang tingin ko sa sketchbook. Hindi ko pa man nakikita lahat, alam kong maganda lahat ng ito lalo na't siya ang may gawa.

He's really good at drawing that once you see it, you can't stop and stare at it for a long time.

February 19, 2015

This is the day she told me that if she was given the opportunity to fly, she would do it becauses she wanted to feel the sensation of touching the clouds.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now