4

317 8 0
                                    

"Huwag mong pakinggan si pangit. Guys like him should never get a second chance," sabi ni Ravier pagkaalis ko ng seatbelt.

Gabi na at siya ang nag-volunteer na maghatid sa akin. Hindi na ako nagulat na hinintay pa kami nito dahil lagi siyang bored sa buhay. Kaya kahit mas nauunang matapos ang klase niya, hinihintay niya pa rin kami ni Ryla kaya nakaka-libre ako ng pasahe lagi.

Sinuot ko ang aking bag. "Wala naman talaga akong balak, salamat sa paghatid 'wag ka na namang tanga sa pagmamaneho," makahulugan kong sabi bago tuluyang bumaba.

Marami na 'yang ticket galing sa mga pulis sa dami ng nilabag niyang batas trapiko. But of course he paid them all to avoid going to jail, the perks of being rich. Sana all.

Mayaman naman ako, hindi lang kasing yaman nilang dalawa. 

Wala na akong narinig na sinabi nito at tanging tunog ng kanyang sasakyan papalayo ang aking narinig. Hindi na rin naman kasi ako nag-aksayang lumingon.

Bukas ang mga ilaw sa loob ng bahay kaya baka dumating si Tita Sabel, sana lang hindi na naman niya ako bungangaan katulad ng lagi nitong ginagawa.

"Talaga? Pakisabi sa mama mo na pupunta kami." Rinig kong sabi ni Tita, may kausap ba siya sa telepono?

Dahan-dahan kong sinara ang pinto para hindi ko siya maabala at makatakas sa kanya kahit ilang saglit lang. Ngunit paglingon ko sa sala, napahinto ako sa aking nakita.

They both looked at me. "Oh, nandiyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay," Tita Sabel said.

My eyes were on Fabius who is sitting casually in the chair while looking at me innocently.

What is he doing here?

"Halika rito't may pag-uusapan tayo," tawag sa'kin ni Tita habang sinesenyasan niya ako gamit ng kaliwa niyang kamay para lumapit.

Kahit tutol ako sa presensya ng lalaki, tahimik akong lumapit sa kanila kahit ramdam kong sumeryoso ang buo kong mukha.

"Siya ang sinasabi ko sa'yong makakasama mong mag-martsa sa kasal," she said and looked at me. "Mara, naalala mo ba si ate Iona mo? Ikakasal na siya sa kuya nitong si Fabius kaya dumaan ako para ibigay ang invitation card. Sinama ko na rin siya kasi dito muna siya pansamantala habang inaa--"

"Anong sinabi niyo?!" pagpuputol kong sabi na nagpakunot sa noo ni Tita.

Teka, anong makakasamang mag-martsa sa kasal? At tama ba ang huli kong rinig? Dito muna siya? Hibang na ba sila?!

She glared. "Hahaha... oo, dito muna siya dahil malaki naman ang bahay mo kasama ng ilan niyang kaibigan na dadalo sa kasal kaya 'wag kang mag-alala. Ilan na nga kayo ulit iho?"

"Lima po," sagot niya na may ngiti sa labi.

Burahin ko yang ngiti niya, eh papansin.

"Mukha naman po siyang mayaman bakit hindi na lang sila mag-hotel?" inis kong sagot.

Mukhang hindi inaasahan ni Tita ang sinabi ko dahil sinamaan niya ako ng tingin kahit na patago niya itong ginagawa.

I don't care if she yells at me later because I can take it, but live with them? Hell no! Mamatay muna ako bago makasama ang mga katulad nila!

Kung bakit naman kasi nasa States itong si Tita noon at siya lang ang hindi nakakaalam ng relasyon na meron kami nito.

Malakas na hampas ang natanggap ko kay Tita sa braso na halata namang pekeng tawa ang pinapakita. "Ikaw talaga! 'Wag mong pakinggan itong pamangkin ko, mahilig siyang mag-joke. Hindi ba Mara?"

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now