30

220 3 0
                                    

Tumitig ako kay Fabius na abala sa ginagawa niyang pagkukulay ng sketch niya noong nasa butterfly sanctuary kami. Nagkalat ang mga pangkulay sa mesa ngunit hinahayaan ko lang siya dahil tutok nga ito sa kanyang ginagawa.

Marami pa siyang missed activities pero ito ang inuuna niya.

Tumingin ako sa orasan bago kunin ang mug na nasa katabi ko pang mesa. "Sa labas lang muna ako, papahangin," paalam ko na nagpatigil sa ginagawa niya.

"Malamig na, baka magkasakit ka. Buksan na lang natin ang bintana para malamigan ka." Binaba niya ang hawak niyang pangkulay at tatayo na sana upang buksan ito ng siya'y pigilan ko.

Hinawakan ko siya sa balikat saka muling pinaupo. "Ituloy mo 'yang ginagawa mo, hindi ako aalis."

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago ngumiti't binalik ang atensiyon sa kanyang ginagawa.

Matapos ng pag-uusap namin ni Jules kanina, nakita ko kung paano siya masaktan kahit na hindi niya sabihing babae ang dahilan.

F L A S H B A C K

"Change your mind Xiomara, don't die. Once you do... the people around you would blame themselves forever. Once you die, he will never be happy again." 

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka naglabas ng panyo sa dala kong bag. Binigay ko ito sakanya't sinigurong hindi niya bibitawan. Nang mahawakan niya, saka ko pa lang siya binitawan at tinignan sa mata.

"Huwag na nating pag-usapan ang patungkol d'yan, ayusin mo ang sarili mo. Baka mamaya pagkamalan pa akong may kasalanan kung bakit ka umiiyak," pabiro kong sagot para ilayo ang usapan.

Tapos na ako sa usaping ito, tapos na. Tama na.

"Ganun mo ba talaga kagustong mamatay?"

"Jules, I said stop it already," I said in a warning tone.

Saglit niyang ginamit ang panyong binigay ko bago sumandal sa hagdan. Hiniga nito ang kanyang ulo sa dulo ng hagdan bago ilagay ang kanyang braso sa mata niya.

Sa pagtakip nito ng mata, siya namang muling pag-iyak nito. Sa pagkakataong ito, mas masakit sa pandinig ang bawat hikbi niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa panyo habang kagat ang kanyang labi upang pigilan ang malakas nitong pag-iyak.

Napapikit ako sandali bago tapik-tapikin ito sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung sino na ang iniiyakan niya ngayon.

Ako ba o ang taong nasa likod ng kanyang nawalang kasiyahan.

Wala akong alam sa nangyari, wala akong alam kung bakit siya nagkakaganito. Pero ayokong mangialam lalo na kung ayaw niyang sabihin.

May mga tumitingin sa amin na tanging pilit na ngiti ang aking binibigay. Hindi ko alam kung anong iniisip nila, ngunit hinahayaan ko na lamang dahil wala naman akong  masyadong pakialam.

"S-she almost... she a-almost killed herself i-infront o-of me..." mas kalmado na nitong sabi.

Ganun pa rin ang posisiyon niya na nagpatigil sa akin sa pagtapik ng kanyang balikat. Naiwan ang kamay ko sa balikat niya habang titig na titig ako sa kanya.

"I-it's my f-fault, I know it. I-it's my f-fault for n-not knowing her p-past. It's m-my fault for doing t-the m-mistakes that makes me more of a d-devil to her. I-it's my fault that I-I scared her and left her alone. I-it is my fault that I a-almost did something unacceptable due t-to my anger and blindness. I should h-have done better, I shouldn't get e-eaten by it... it disgusts me. I h-hate my sins."

Gusto kong magtanong dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya.

The Jules I know is not like that, the Jules I know has a pure heart and cannot even kill a bug. But listening to him right now, I'm scared... I'm scared that he really did something unacceptable that made him like this.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now