2

466 13 0
                                    

Kinuha ni Ryla mula sa bag ko ang isang pakete ng sigarilyo na kabibili ko lang kaya naman nakasunod ako sa kanya para bawiin.

"Ryla naman, eh akin na 'yan," pakiusap ko. 

"Ayoko, hindi ka ba marunong makinig? Balita ko sa kabilang department, halos hithitin mo ang isang pakete kanina tapos bumili ka na naman? Papatayin mo ba ang sarili mo?" galit niyang sabi na nagpabuntong hininga sa akin.

Naiinis ako pero kapag si Ryla na ang kausap ko, kadalasan wala akong magawa dahil marami siyang idadahilan para lang manalo sa away naming dalawa.

"Stress ako okay? At isa pa... ano naman ngayong kung ikamatay ko 'yan? Wala na rin lang naman akong magulang." Tinitigan niya ako nang maigi sa sinabi ko at hindi agad nagsalita.

Paniguradong maraming tumatakbo sa utak nito pero namimili muna siya ng dapat bang sabihin.

Tinapon niya sa basurahan ang pakete ng sigarilyo kaya napasuklay ako ng buhok sa ginawa nito. "Gusto mo bang marehab Mara? Baka naaalala mo, isang taon ka sa mental hospital tapos ngayon gusto mo namang marehab dahil sa addiction mo na ito?"

"Walang rehabilitation para sa mga smokers na katulad ko," iwas kong sabi.

"Meron at applicable 'yun sa mga katulad mong hindi makatigil manigarilyo ng isa lang. Gusto mo bang ipasok kita sa rehab na 'yun?" Hindi ako sumagot.

"Sasabihin ko ito sa tita mo, baka mamaya itim na pala yang baga mo. Binabalaan na kita Mara, kapag ikinamatay mo yang paninigarilyo mo hinding hindi ako pupunta sa lamay mo." Seryosong tingin ang binigay nito sa akin bago ako iwan.  Sinundan ko pa siya ng tingin bago mariing napapikit.

What can I do? I can't control myself to smoke. At kahit na kaya ko, babalik at babalik pa rin ako sa paninigarilyo dahil ito ang hinahanap ng katawan ko.

Pagtalikod ko, bumungad sa akin ang mukha ni Fabius na may bahid na gulat sa mata nito.

Don't tell me narinig niya ang sinabi ni Ryla?

Hindi ko na lang siya pinansin at lalampasan ko pa lang siya nang hawakan niya ang kamay ko para patigilin.

Ano ba naman, wala bang bago? Like ibabalibag ko siya para tumigil ganun. Pisti.

"A-anong ibig sabihin ng kaibigan mo?" kunot noo niyang tanong.

Pabagsak kong inagaw ang kamay ko. Mas maiging hindi na lang ako magsalita dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na buhay siya. At kung sakaling iku-kwento niya, wala akong oras para intindihin ang kung ano mang dahilan nito.

He grabbed my hand again which frustrates me more. "Mara, anong ibig niyang sabihin na isang taon kang nasa mental hospital?"

Ngumisi ako. "Ano ba sa tingin mo ang laman ng hospital na 'yun? Hindi ba mga baliw? 'Wag kang tanga Fabius at bitawan mo ako habang may natitira pa akong pasensya sa katawan," banta ko na hindi niya pinakinggan.

Hinila niya paharap ang kamay ko at may pagtatakang pinanood siyang tignan ito. Ganun din ang ginawa niya sa isa pa na nakakainis nga naman talaga.

Ano bang problema niya?!

"Alam kong hindi ka baliw para mapunta doon, kaya sabihin mo, nakaranas ka ba ng depression?" tanong niya na kusang nagpawala nang pagkakakunot ng noo ko.

A serious look has covered my face, as always, he goes straight to the point.

Inayos ko ang sleeve ng polo ko saka ito tinignan. Akala niya ba may makikita siyang marka ng nakaraan sa kamay ko? Nakakatawa rin siya, eh noh?

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon