26

193 4 0
                                    

Sabay naming hinipang apat ang candle ng cake bago kunin ni Ravier ang apat na paper bag na naglalaman ng regalo na nakalapag sa sahig.

It's December 1st and we are here in their backyard to celebrate Christmas na naging tradisiyon na naming apat including Zaid. Nagbubunutan din kami para malaman kung sino ang reregaluhan namin. Maagang celebration dahil sa mismong 25 ay kanya-kanya kami kasama ang mga pamilya namin.

For me, sila Tita Sabel ang kasama kong mag-celebrate pati new year.

"Okay! Ang hindi makakahula kung sino ang nagregalo ang maghuhugas ng pinggan!" excited na sabi ni Ryla na may subo pang jammin na bigay ko kanina.

Nagbato-bato pick kami at ang resulta? Ako ang unang huhula ng regalo.

I just open it without hesitation and saw a brown satin maxi slip dress and brown cable knit cardigan sweater na halatang binili sa isang mamahaling botique dahil sa designer tag na nakalagay rito. Tinignan ko pa silang tatlo, nag-iisip kung sino ang pwedeng magregalo nito.

Automatic na baka si Ryla ang magregalo nito dahil mahilig siya sa mga ganiting suot. At kung titignan ko ang dalawa, maaaring malayong bumili sila ng ganito. Nobody knows what my body size is except Ryla na lagi kong kasamang mag-shopping.

Siya lang ang nagsa-shopping wala akong budget para maging gastador sa mall.

Binalik ko sa paper bag ang damit saka confident na tumitig kay Ryla. "I think I know who it is..."

Tinaasan ako ng kilay ni Ryla kaya humalukipkip ako bago sabihin ang pangalan ng taong nagbigay nito. Taray talaga kahit kailan.

"Ravier."

"Hahaha! Pano mo nahulaan?" tatawa tawang sabi ng alien na napapalakpak pa sa binigay kong sagot.

"Because of this," sagot ko na kinuha ang isang pares ng silver butterfly ear cuff earings na may ilang diamonds na alam ko kung sinong maaaring magbigay. "Nagkita kayo ng ex mo noh?"

His smile disappeared, causing Ryla and Zaid to look at him quizzically. Umubo pa siya at uminom ng beer na nasa harapan lang naming apat.

"Kaya pala sinabi mong ikaw na mag-isa ang bibili, matinik ka pa rin pala at ex mo pa talaga ang niyaya mo," nanlolokong sabi ni Zaid na katabi niya lang.

"Sinungaling ka rin pala, eh pero hayaan na," sabi ni Ryla saka ako tinignan. "Anong meron d'yan sa earrings na 'yan at nahulaan mong baka kasama nitong alien ang ex niya?"

I smiled. "Mahilig siya sa ganito, remember nung sila pa? One time lumabas kaming dalawa dahil nagpasama siya para bilhan ng regalo si Ravier tapos napunta kami sa isang jewelry shop. Then nakita ko ito at sinabi ko sa kanyang gusto ko ng ganitong design na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Nanghula lang ako malay ko pa lang tama."

"Nako... nako... it looks like a comeback will take place," Zaid said that made Ravier frown.

"Oo na! Nagkita kami pero hanggang doon lang. Next na! Ako pa pinupuntirya niyo, eh!"

Nagtawanan kaming tatlo at iiling na pinanood si Ravier na halata sa buong mukha ang inis. Kunwari pa siyang hanggang doon lang, baka mamaya malaman na lang naming nililigawan niya ulit si Jiselle, pangalan ng ex niya.

Wala namang kaso sa'min 'yun dahil love life niya 'yan. Huwag lang talaga siyang iiyak iyak kapag may nangyari sa kanilang dalawa na ikasisira na naman ng puso niya. Masasayang ang advice namin ni Ryla kapag nagkataon.

Sumunod si Zaid na may regalong Rolex watch na matte black na nakalagay pa sa malaking paper bag pero yun lang ang laman. Natawa pa kami ng puno pala ito ng shredded papers para lang magmukhang maraming laman.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now