29

202 7 0
                                    

Weeks has passed and I started going back to school to finish at least some of my requirements and missed activities. Pati si Fabius ay pinapasok ko para naman malibang ang utak namin kahit papaano.

Akala ko hindi ako ie-excuse ng office pero dahil sa binigay kong medical certificate, kinunsidera nila at sinabing kausapin ko na lang lahat ng aking propesor. Sinabi pa nila kung kailangan ko munang tumigil lalo na't nakalakip sa papel na 'yun ang sakit ko. Sa huli, sinabi kong hindi pa naman ganun kalala kaya tatapusin ko na lang ang first semester.

Sa darating na Lunes ang alis namin ni Fabius papunta sa Manila para manood ng concert. Magkasama pa rin kami sa bahay kung saan mas lalo lang kaming nagiging plastik sa isa't isa.

At kapag sinabi kong plastik, 'yun ay ang pagiging mapagpanggap namin na ayos lang kami kahit na parang mas nasaktan ko siya sa nangyari sa garden noong nakaraang linggo.

After that scene, we just ate at the restaurant as if nothing had happened. Talk to each other like normal people and go home, even if the atmosphere between us has changed.

Pumunta sila Lola at ang iba sa garden para makita akong tumugtog ulit na si Fabius mismo ang nagsabing pumunta sila. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman doon pero alam ko na hindi 'yun ang huli kong pagtugtog.

"Xiomara, may naghahanap sa'yo sa labas," sabi ng isa kong kaklase na nagpaangat ng tingin ko.

Tinignan ko pa saglit kung sino 'yun bago kinuha ang bag ko para lumabas. Wala si Ryla dahil may pinagawa sa kanya ang isa naming professor. Siya kasi ang representative ng block namin para sa contest ng aming department.

"Shekainah, napadpad ka rito?" gulat kong sabi paglapit ko sa kanya pero hinila niya lang ako palabas ng room.

Ayos lang naman sa'kin dahil may isang oras pa bago ang susunod kong klase. Sadyang namalagi lang ako roon dahil wala akong balak na lumabas habang naghihintay ng susunod na klase. Wala rin namang magka-klase dun kaya ayos lang talaga.

Tumigil lang kami ng mapunta kami sa malawak na balkonahe ng fifth floor at maupo sa isa sa mga upuan, napatingin pa ako sa visitor's i.d na suot niya. Ang galing naman ang bilis niya atang makapasok, hindi kasi masyadong nagpapapasok ang university ng kung sino-sino.

"So... paano mo ako nahanap?" muling tanong ko.

"Ah... syempre tinanong ko ang kaibigan mong si Ryla sa messenger. Isa pa, nandito ako para tumambay, school break namin, eh hahaha..."

Napairap ako sa hangin sa sinabi nito. Bilib na talaga ko sa kabaliwan na meron siya mula pa noon.

Makailang beses lang sila nagkita noon ni Ryla kapag dumadalaw siya sa akin, malay kong kilala niya pa pala ito. Extrovert siya kaya walang hiya 'yan sa katawan.

Nilapag ko sa mesa ang bag saka nagpahalumbaba.

Sa totoo lang, patagal ng patagal sumasama na ang pakiramdam ko. Mas madalas na ang aking pag-ubo at minsan ayaw tumigil. Kaya bumalik ako sa hospital para magtanong kung anong gamot ang pwedeng inumin para kahit papaano'y tumigil ang aking pag-ubo.

Nagbigay naman sila pero sinabihan din ako na mas maigi kung simulan ko ng magpagamot dahil sa malaki ngang tiyansa ng aking paggaling.

"Nag-iba ata ang itsura mo pati ang tono ng boses mo. Ayos ka pa ba?" bigla niyang tanong na pinagmamasdan pa ako gamit ng kanyang mata. "Masaya ka ba talaga sa piling ng pinakilala mong boyfriend?"

I sighed and smile. "Ano ba sa tingin mo? Mukha ba akong masaya?"

"Hindi," mabilisan niyang sagot. Hinawakan pa nito ang aking baba kaya mahina ko itong tinabig.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now