23

194 4 0
                                    

Napahikab ako habang pinapanood si Fabius na tutok sa kanyang pagdo-drawing. Nandito kasi kami sa Butterfly Sanctuary ng Larena town sa Cabilao Village para bumisita saglit at magtingin tingin. Busy na kumukuha ng litrato ang iba, sadyang nagpaiwan kami ni Fabius dito sa isang sulok para raw makapag-drawing siya saglit.

Galing kami kanina sa Old Enchanted Balete Tree para bumisita at syempre magliwaliw. Hindi rin namin pinalampas ang mag-foot spa na isa sa hindi ko makakalimutan kanina. Pano ba naman, tawa ng tawa si Kaius dahil nakikiliti raw siya sa mga isdang kumakagat sa paa niya, 'yan ang term niya. Kumakagat.

Ang ending? Pinagtitinginan kami kanina ng mga tao. Pero ayos lang kahit na parang tinatakwil na siya ni Shaun kanina.

Van ang ginamit papunta doon dahil nga malayo layo, ganun din sa pagpunta namin dito. Ginamit naman namin yung nirentahan nilang motor kanina para lumibot sa mga kalapit na lugar. Pero napagdesisyunan naming van na lang para puntahan ang ibang tourist attraction dito sa Siquijor.

Hindi ko nga inaasahang may dala pa lang sketchbook itong si Fabius na laman ng bag niya. Malay ko ba sa kanya't naisipan pang magdala ng ganun, kasi kung tutuusin mas madaling kumuha na lang ng litrato kaysa ang mag-drawing on the spot.

Maganda naman sa paligid, maraming lumilipad na mga paru-paro at may nakita pa akong mga caterpillar at dragonfly. Wala masyadong tao, pero may grupo ng mga bata kanina ang bumisita para siguro sa fieldtrip nila.

Maganda ang panahon kahit na tirik ang araw at halos lahat kami'y pinagpapawisan na. Good thing nagdala si Shaun ng maliit na electric fan na ginagamit ko ngayon para maibsan ang init na aking nararamdaman.

"Tapos na," mahinang sabi ni Fabius. Nag-inat pa siya bago ako lapitan at ipakita sa akin ang gawa niya, magkalayo kasi kami kaunti.

Pagkakita ko, hindi na ako nagulat nang ako ang laman ng sketchbook. Sa loob nito, mayroong paru-paro ang nakadapo sa ulunan ko habang ang paligid ko'y napupuno ng iba't ibang paru-paro na lumilipad sa paligid. At katulad ng ginagawa ko, nakahawak ako ng electric fan habang nakatingin sa kanya.

"Pag-uwi natin kukulayan ko ito bago ko ibigay sa'yo," nakangiti niyang sabi na nginitian ko pabalik. Kinuha ko pa sa kanya ang sketchbook saka tinuro ang isang sulok kung saan may mga bulaklak at butterfly na nakadapo roon.

Nilabas ko ang phone ko sa suot kong sling bag. "Tumayo ka diyan, kukuhanan kita ng litrato."

"Bakit?" takang tanong niya na parang nahihiya pa.

Ngayon pa ba siya mahihiya?

"Just stand there and smile, gusto ko ng remembrance. Dali na!" Napanguso ito sa pagtataas ko ng boses, pero wala rin lang siyang nagawa't tumayo sa tinuro ko bago awkward na ngumiti.

"I want a genuine smile Fabius," utos ko. Tinutok ko ang camera sa kanya at hinintay na ngumiti ito ng ngiting gusto kong makita. Matapos ng ilang segundo, sumilay sa labi niya ang ngiting matagal kong hindi nakita.

A smile that I always adore and love to see that catches the attention of many girls around him. The way he smiles at me, it makes me think of the good times we're in together. The days where only happiness is the center of everything.

No pain. No sad tears to waste.

Napatitig ako sa kanya nang hindi namamalayang hindi litrato ang kinukuha ko, kundi video para i-record ang araw na ito.

Just this day.

I want to record it so that I can watch it on my own and at least remind myself that I still have feelings for him, despite of all the happenings that had happened between us. Because the way he smiles is a great comfort to me. It's like a half moon at night that has its own beauty that you can only see in the dark and gives light to everyone.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now