9

238 7 0
                                    

Buong araw, hindi ako mapalagay sa sinabi ni Ryla. Nagtanong pa ako pero ayaw niyang sabihin, parusa ko na lang daw ito kaya ayaw niyang sabihin sa'kin ang buong detalye.

"Woah... ang sakit nila sa brain," inis kong sabi. Siniksik ko ang ulo ko sa unan sa sobrang frustrate na nararamdama ko.

I have a lot of assignments, pero heto ako't nag-iisip pilit na inaalala ang nangyari. Para silang social media na pinagtutuunan ko ng pansin.

Tamang scroll sa Facebook, ang pinagkaiba sila ang newsshit. I mean... newsfeed.

Malakas na pagbukas ng pinto ang nagpaangat ng ulo ko, at doon nakita ko si Althea na nakahalukipkip. Isa pa ito sa sakit sa ulo, ang dami nilang pera pero gusto nila dito sa bahay.

Naghihirap na ba sila?

F L A S H B A C K

Kunot noo kong tinignan ang mga kotse na nakaparada sa harap ng bahay. Ang ilan sa mga ito ay nakakuha ng pansin sa akin dahil pamilyar ang iba, don't tell me...

Lakad takbo ang ginawa ko para makapasok sa bahay, halos magulantang pa ako nang makita ang ilang maleta na nakalagay sa gilid habang sila'y nakaupo sa sofa.

"Nakauwi ka na pala, may pagkain sa kusina kumain ka na muna," bungad na sabi ni Tita Sabel.

Silence covered the whole house because of my existence. Pero hindi rin 'yun nagtagal nang maglapag ng pagkain si Tita sa mesang nasa gitna ng mga sofa.

Hindi ko alam ang gagawin, para akong tanga rito na pinapanood sila na akala mo naman sarili nilang bahay ito. Nang mag sink-in sa akin ang nangyayari, lumapit ako kay Tita na nagpatigil sa mga ginagawa ng iba.

"Ano pong ginagawa nila rito?" may paggalang kong tanong.

Kinuha ni Tita ang tray saka ako iniwan na wala man lang nakukuhang sagot. Kaya naman sinundan ko siya hanggang sa kusina kung saan hinarangan ko ang kanyang daan.

What joke is this?

"Tita..." Buntong hininga ang sagot niya kaya mas lalong hindi ko siya pinayagang makaalis.

I want answers. Alam kong alam na niya ang history namin ng mga taong nasa bahay pero bakit niya ito ginagawa?

Binaba nito ang tray na hawak niya saka ako hinila papunta sa sarili kong kwarto. Nakita ko pang sinusundan kami ng tingin ng mga kulugo na hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Ang mahalaga sa'kin muna ay ang sagot ni Tita, saka ko na iisipin ang pagpapaalis sa kanila kapag narinig ko ang dahilan nito.

"S-sandali! Tita!" gulat kong sigaw nang may kunin siya sa drawer ko.

My heart started racing when she showed me a piece of paper na tinatago tago ko. Mukha siyang naiiyak pero iwas tingin ang aking ginawa.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang tungkol dito? Ano bang akala mo sa amin, Mara? Tanga para itago ang nangyayari sa buhay mo? Jusmiyo kang bata ka! Gusto mo bang isang araw makita ka na lang namin sa kabaong bago ko pa malaman ito?!" Pilit niya mang hindi taasan ang boses nito, mukhang hindi niya kaya.

Tanging pagyuko na lang ang kaya kong gawin dahil sa guilt na nararamdaman ko.

Malalim na pagbuntong hininga ang narinig ko mula sa kanya. I want to say sorry but I can't, hindi ko naman kasi kagustuhang malaman niya pa ito.

Not now and not in this situation.

"Ganito ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay? Pinuntahan ko ang doktor mo pero ang sinabi niya, tumanggi ka na magpagamot. Ano?! Ano ang dahilan mo Mara? Ha? Ano?!"

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now