3

363 7 0
                                    

Humikab ako at nag-inat, pakiramdam ko mas lalo akong na bobo sa surprise quiz namin. Grabe yung pagkagulat ko na halos wala akong naisagot na tama sa papel. Babawi na lang siguro ako sa susunod kahit na malabong mangyari dahil tamad ako.

"Anong itsura 'yan?" tanong ko kay Ryla na magulo ang buhok at parang pato na sa haba ng pagkakanguso.

She rolled her eyes and sighed. "Feeling ko may dos na naman sa grades ko dahil sa quiz na 'yan. Alam mo naman yung professor na 'yun... mababa magbigay ng scores sa projects. Ano na naman ang idadahilan ko kay mommy?"

Hiya naman ako sa mga tres ko, sana all may dos ako kasi over-dos lang ang kaya kong makuha. Joke 'yan tumawa ka.

"Ikain na lang natin 'yan, marami pang araw para bumawi," sabi ko at umakbay sa kanya.

Mas matangkad kasi ako sa kanya, hindi siya gaanong maliit sadyang biniyayaan ako ng tangkad na malay ko ba kung ikatutuwa ko. Kung inaakala ng iba na maganda ang pagiging matangkad, pwes hindi sa lahat ng bagay.

"Bakit? May nasagot ka sa quiz kaya parang wala kang pakialam?" she asked but shook her head. "Ay... hindi na pala ako dapat nagtanong, paniguradong itlog ka na naman."

Hinila ko nang mahina ang buhok nito. Masyado na siyang maraming sinasabi ang ganda niyang itapon sa bangin. "Pumapasa naman ah, kumain na lang tayo dami mong sina-sat sat nanlait ka pa."

"Kailangan talagang sabunutan ako? Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka na naman, sinabi sa'kin ni Ravier na nag-inuman kayo kagabi. Nako Mara... bakit kaya hindi ka na lang tumalon sa malalim na dagat para mamatay ka na," inis niyang sabi na may halong biro.

Isang irap lang ang naging sagot ko rito. Wala naman na siyang magagawa dahil tapos na kaming mag-inuman kagabi.

Makati talaga ang bibig ng gago.

May sasabihin pa sana siya kaso nagpauna na akong maglakad papunta sa canteen. As usual, lagi akong may hawak na ballpen para paglaruan sa pagitan ng aking daliri. Hindi kasi makapakali ang kamay ko kapag walang hawak na kung ano bukod sa sigarilyo.

Sabay kaming umupo sa isang mesa na may tatlong upuan, hinihintay kasi namin yung kakambal niya na paniguradong sa last floor ng building galing. Nandoon kasi ang mga gamit na kakailanganin nilang mga culinary. Malaki ang pakinabang niya sa aming tatlo dahil siya lagi ang taga-luto kapag natutulog ako sa kanila.

"Ang tagal naman niya, nagugutom na ako," maktol ko habang nakapahalumbaba sa mesa.

Libre niya raw kasi ngayon ang lunch, gastador 'yung lalaki na 'yun but in a good way lagi niya kasi kaming nililibre. Mahilig makisabong 'yun online kaya kalahati ng pera niya ay nakukuha niya doon, kapag gipit ako sa kanya ako umuutang. Sa dami ng utang ko ni piso'y wala pa akong nababayaran.

"Edi bumili ka pa--" Kusa siyang napahinto sa pagsasalita nang may isang tray ng pagkain ang nailapag sa mesa namin.

Akala ko ay si Ravier pero isang bangkay pala na nagtuloy tuloy na sa paglalakad papunta sa isang mesa na hindi kalayuan sa amin ang naglapag.

Bumilog ang mata ni Ryla at kinikilig akong tinignan. "Oh my gosh! Tama ba ang nakita ko? Binigyan niya tayo ng pagkain! Wait... I kennat!"

Habang abala si Ryla sa upuan niya na kinikilig, tumayo ako't kinuha ang tray. Dumiretso ako sa mesa nila at hindi na nagulat nang makita yung anaconda kasama ng ilang kulugo. Buti tinanggap sila ng school kasi kung ako, hinding hindi ko sila tatanggapin para mag-aral dito.

Pabagsak kong binaba ang tray na nagpakuha ng atensiyon mula sa mga iba pang mesa. Rinig ko ang boses ni Ryla pero hindi ko 'yun pinansin. Matamang tingin ang binigay ko kay Fabius na para bang guilty sa ginawa nito.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now