6

305 8 1
                                    

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa'kin si Denver na agad tumingin sa mata ko. Walang imik ko siyang pinapasok sa loob at dinala sa kwarto kung nasaan si Fabius na mukhang tulog na ata.

"Mukhang tulog pa siya, mamaya kaunti na'tin siya gisingin," sabi niya na aking sinang-ayunan.

Hindi ako masamang tao isa pa, hindi pa dalawang oras magmula ng makatulog si Fabius kaya hahayaan ko muna siguro.

"Kamusta ang lagay mo?" biglang tanong ni Denver.

Hindi ko naman siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kwarto, hindi pa man ako gaanong nakakapasok nang dumating siya at umupo sa ibabaw ng kama.

He looked around. "Kahit na parang nagbago ang ugali mo, ayaw mo pa rin ng makalat. 'Yung mga paborito mo noon, nagbago na rin ba o hindi?"

"Wala ka na dun, pwede bang umalis ka sa kwarto ko?" inis kong sagot. Gumilid pa ako para ipakita sa kanya ang nakabukas na pinto ngunit tanging ngiti ang sinagot nito.

"Mahal mo pa ba si Fabius?"

"Gusto mo pa rin ba ako?" balik kong tanong dahil sa inis ko sa kanya.

He paused for a while but his smile never fades, para bang may sinasabi ang mata nito na mukhang alam ko na.

He nodded. "Oo naman, mula noon hanggang ngayon. My feelings for you have never changed but I respect Fabius, that's why these feelings are just for me. But I also want you to keep this in mind that if you need me I'm right here you can ask for anything because I'm ready to help. Hindi na kita iiwan at papabayaang mag-isa."

I smirked. "Sinabi niyo 'yan sa'kin noon, kaya tigilan mo ako sa kasinungalingan mo't lumabas ka na sa kwarto," utos ko na tinuro pa ang pinto gamit ng aking hintuturo.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mara. Do you still love him?"

I can see through his eyes the interest in what I'm going to say. I don't want to think about this but I can feel that he wants me to say no. Pero kahit na ano man ang maging sagot ko... I wouldn't care.

"It's up to you to think, now get out of my room. May pagkain sa kusina, kumain ka kung gusto mo alangang pagsilbihan ko pa ang mga unwelcome guests." Nagkibit balikat siya at humiga ng tuluyan sa kama. Hinila niya pa ang malaking stuffed toy sa gilid at niyakap ito bago pumikit.

"I'm tired and jealous kaya matutulog na rin muna ako kaysa kumain, I love your scent anyway. Good night, Xiomara," he said while cuddling my stuffed toy that Ravier gave me not long ago.

Napaawang ang bibig ko habang pinapanood siyang humiga sa sarili kong kama.

Ano ba naman ang araw na ito! Dapat pala hindi na lang ako umuwi, ukis ti saba!

"Magbibilang ako, kapag hindi ka pa umalis d'yan--"

"Hihilain kita rito para ikaw na lang ang kayakap ko, mas malakas ako sa'yo kaya ayos lang naman substitute lang itong stuffed toy mo," mapanloko niyang sabi kaya inis akong napasuklay sa aking buhok.

"Kainis! Bahala ka na nga d'yan!"

▪▪▪

Sinundot sundot ni Ryla ang tagiliran ko kaya malakas na hampas ng notebook ang nakuha niya mula sa akin. Natawa pa ang kambal niya pero parang wala sa kanya ang pagkakahampas ko dahil nginisihan niya ako.

"Yieee... hindi niya matiis ang ex niya, ikaw Mara ha, sabihin mo gusto mo pa rin siya kaya inalagaan mo noh?" tukso nito na ikinairap ko.

Kung bakit nga ba kasi nakalimutan ko ang ilang gamit ko sa bahay nila, 'yan tuloy hindi na niya ako tinitigilan.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now