32

379 5 0
                                    

Minulat ko ang mata ko pagkaalis niya ng kamay niyang tumatakip dito. Ilang beses pa akong kumurap bago luminga sa paligid.

'Manila Ocean Park'

"'Wag mo sabihing..." putol kong sabi habang nakatingin sa malaking gusaling nasa harapan namin.

Pinagtaklop niya ang kamay namin saka walang salitang hinila ako palapit dito.

The moment we both walked in, memories flash through my eyes.

"Yah!" I yelled as Fabius handed me a ticket.

A ticket to Manila Ocean Park. I've never been there, so I'm really happy, shocked and excited when he showed me this one.

"Hala... kailan mo ito binili?" nahihiya kong tanong pag-upo ko sa upuan. Napatayo kasi ako sa sobrang excitement na nararamdaman ko hanggang ngayon.

He leaned and smile. "Last week pa, busy ka kasi sa piano lessons mo kaya ngayon ko lang nabigay."

Agad kong tinignan ang date ng expiration ng ticket at doon ako nakahinga na sa isang araw pa mawawalan ng bisa. Bigla akong natakot dahil sabi niya nga, last week niya pa binili.

"Pinaalam na kita sa magulang mo para bukas, kaya magha--"

"Bukas?!" gulat kong singhal.

Lumapad ang ngiti sa labi niya't umabot sa tuloy-tuloy niyang pagtawa. Bigla tuloy akong napasimangot dahil pinagtatawanan niya ako.

The moment he realizes I wasn't showing him a smile and just staring blankly at him, he stopped laughing, but his smile didn't disappear.

"Okay... sorry. Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo in advance. Gusto kitang i-surprise kaya ganun. Alam ko kung gaano mo kagustong pumunta d'yan." Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Can you forgive me?"

Naitakip ko sa mukha ko ang hawak kong ticket saka tumayo. Ginamit ko rin itong pamaypay dahil masyadong umiinit ang magkabila kong pisngi.

"Kailangan talagang sobrang lapit?" bulong ko habang patuloy na pinapaypayan ang aking sarili.

Why is so hot in here? Nasa Tagaytay ako, bakit ang init?

"Xiomara..." mahinang tawag niya sa pangalan ko na nagpatigil sa akin sa pagpaypay.

Dahan-dahan akong lumingon kung saan naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Nakapahalumbaba ang kamay nito sa mesa ng upuang inuupuan niya't hindi pa rin naaalis ang ngiti.

Alam ko na 'yang ngiti at tingin niya. We've been three years already kaya alam ko na ang mga pa ganyan-ganyan niya.

Bumalik ako sa pinag-upuan ko't nilapag ang ticket. Saglitan ko pa siyang nginitian bago pisilin ang pisngi niyang parang marshmallow sa lambot.

Kung titignan ko siya ngayon, para siyang marshmallow man na ubod ng tamis. Sa tuwing ibubuka kasi niyan ang bibig niyan, puro matatamis na salita ang lumalabas kaya kadalasan wala akong ma-say.

"Thank you!" pasasalamat ko't binatawan ang kanyang pisngi. Matik na namula ang pisngi niya na lihim na nagpangiti sa akin.

I'm so proud, may natural blush on na siya.

He pouted. "Grabe ka sa akin... ang sakit ng pinisil mo! Hindi na tayo bati."

Tinawanan ko naman siya't tumayo. Asa pa siyang maniniwala ako sa drama niyang ganyan.

Come on... he likes me a lot. He can never be mad at me.

"Tumayo na d'yan, ipagluluto kita ng bibingka."

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now