5

276 7 0
                                    

Sabay kaming napabuga sa hangin habang nakatitig sa labas. Wala na yung balak naming lumabas at gumala dahil sa lakas ng ulan, nakatitig lang kami sa labas na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

"Anong gagawin natin? Wala akong homeworks, kayo meron?" tanong ni Ravier na may kumot na nakabalot sa katawan niya, nilalamig daw siya at ayaw niyang magsuot ng hoodie kaya dinala niya 'yung batman niyang kumot dito sa sala.

"Wala rin," sagot naman ni Ryla.

Lumingon silang dalawa sa akin kaya nag-isip ako kung ano bang pwedeng gawin. Isip bata ang mga ito kaya kahit anong sabihin ko gagawin namin, kahit bahay-bahayan pa 'yan o chinese garter.

I smiled. "Mag-inuman na lang tayo," sabi ko.

Imbis na sumang-ayon sila, malakas na batok ang nakuha ko kay Ryla habang si Ravier, tinignan lang ako at umiling.

"Ang sakit mo mambatok ha, walang awa," nakanguso kong sabi habang hinihimas ang parte na binatukan niya.

"Wow, walang awa? Kahit malamig ang panahon hindi pag-iinom ang magandang gawin, masama kaya sa katawan ang alak lalo na sa katulad mong hindi matigil-tigil sa paninigarilyo. Tigilan mo nga ako, Mara." Inirapan ko siya dahil ano namang masama sa pag-iinom pa minsan-minsan?

Hindi naman araw-araw, OA talaga siya.

Napakamot ako sa hinampas niya. "Hindi pa naman ako mamamatay sa sinabi ko at tiyaka ano ba kasi dapat ang gagawin natin sa labas?"

"Skydiving," singit na sagot ni Ravier.

Hindi makapaniwalang tingin ang aking pinukol sa kanila. 

Talaga? Sayang naman... gusto ko pa man din gawin sa buhay ko 'yun tapos hindi matutuloy dahil sa ulan? Nakakainis naman.

"Huwag ka ng ngumuso diyan, marami pa namang araw hindi lang ngayon. Ang pangit mo na nga ngunguso ka pa." Tinignan ko ng masama ang kakambal ni Ryla.

Pansin ko lang ha... walang imik ang babaita baka hinahayaan niya lang ito dahil sa sinabi kong gagawin namin. Kambal nga talaga sila.

I rolled my eyes. "Pangit na kung pangit, walang magbabago doon."

"O siya! Siya!" Pumalakpak si Ryla kaya parehas namin siyang tinitigan ng kambal niya. Mukha naman siyang may naisip na gawin kaya pakinggan natin.

Her face turns serious. "Matulog na lang tayo, inaantok na ako ang hirap patulugin ni Mara kagabi, eh," saad niya na nagpailing sa'ming dalawa ni Ravier.

Ang galing naman ng gusto niyang gawin namin at ano raw? Nahirapan siyang patulugin ako?

Nakakahiya naman. Nakakahiya talaga.

▪▪▪

"Kumain ka na, nga pala may iniwan ako sa kwarto mo na pera gamitin mo 'yun na baon hanggang next week. Sabihan mo rin ako sa tuition na babayaran mo sa susunod mong exam para maibigay ko sa'yo ng maaga. Nga pala... nasa kwarto mo ang dress na gagamitin mo sa kasal, ikaw na ang bahala kung pupunta ka o hindi," sabi ni Tita Sabel na naglalapag ng pagkain sa mesa.

Pag-uwi ko kanina lang, siya ang una kong nadatnan sa bahay. Ang pinagkaiba lang, hindi niya ako pinagalitan o nagtanong kung bakit ngayon lang ako umuwi.

Himala bumait kahit papaano. I mean, mabait siya sadyang maingay lang.

Wala naman talaga ako dapat balak na umuwi muna sa bahay kasi inaalala ko na baka nandito sila Fabius. Pero pagdating ko, siya lang ang aking naabutan.

Hindi na ako nagtanong kung nasaan sila dahil wala akong pakialam sa kanila sadyang sila lang ang nangingialam sa buhay ko. Lalong lalo na yung kabit ni patay.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now