24

175 6 0
                                    

"Xiomara?"

Napahinto ako sa pagkuha ng pitsel sa ref dahil sa pagtawag sa pangalan ko. Hindi pa ako agad makapakali nang mommy ni Fabuis ang aking nakita.

Nasa labas pa ang iba at patuloy na nag-iinuman, sadyang ako na ang nag-volunteer na kumuha ng tubig.

"Ano po 'yun?" may galang kong tanong. Sinara ko pa muna ang ref bago siya lapitan.

"Alam kong iniiwasan mo ako pero pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Sumang-ayon naman ako agad sa pakiusap niya't dinala ko siya papasok sa isang kwarto para makapag-usap kami ng tahimik.

Pagsara ko ng pinto, kabado ko siyang hinarap. Hindi ako dapat makaramdam ng kaba pero ang maalala ang mga mabubuting pagtrato niya sa akin noon ang dahilan kaya siguro ako kinakabahan ng ganito.

She has been a good mother to Fabius and has been good to me in the past. She has a pure heart and treated me like I am her daughter. That is why I did everything possible to avoid her because I am guilty for everything I am doing to her son.

Wala akong imik na tinignan siya habang ito naman ay umupo sa kama ko't ngumiti sa akin. Malungkot na ngiti ang binigay niya na mariin kong iniwasan.

I hate this.

"Your suffering is far from what my son suffered when he is in US trying to recover and cure his illness. Mas mahirap ang mga pinagdaanan mo kumpara sa amin noong nalaman kong palala ng palala ang sakit niya," pauna nitong sabi. "I can't even ask for forgiveness because that's not enough... it's not enough for you to recover from the past."

Nakarinig ako ng yapak palapit sa akin kasunod ng mainit at mahigpit niyang yakap.

"I'm sorry, Xiomara... you suffered a lot and lost everything because of the bad decisions my son chose to take. But please... don't hurt him too much, he has suffered a lot too and seeing him cry breaks my heart because I can't do anything as his mother," garalgal niyang sabi na nagpapikit sa akin.

Huminga pa ako ng malalim dahil sa totoo lang, ayokong marinig ang pag-iyak nito kahit ang makita'y gusto kong iwasan.

She caressed my hair. "P-please be alive, Xiomara... please, kahit hindi na ang anak ko ang dahilan ayos lang basta mabuhay ka. I hope you find a reason to live instead of choosing to die because life is so much more than that.  B-being alive can give you a lot of pain, but..." sinandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat habang patuloy na hinahaplos ang aking buhok.

"...it can also be a reason for us to grow and be better people if we only choose to face it while conquering that pain that can give us many lessons to learn. I don't know if this can help you change your mind, but this is better than saying all the sufferings of my son. Kaya sana... sana magbago pa ang isip mo. My apologies are not enough and I can accept it if you cannot forgive us."

Humiwalay siya sa akin kung saan bumungad ang mukha niyang kahit may ngiti ay lumuluha naman ang malungkot niyang mga mata. Before she could leave, she gave me a kiss on my forehead which made me cry a little.

Nakailang beses pa akong napakagat sa aking labi dahil sa matinding pagpipigil ko ng luha. Ayokong umiyak ngayong gabi kaya kahit na parang tumatak sa'kin ng sobra ang sinabi ng mommy ni Fabius, pilit ko pa rin itong iniiwasan.

I'm trying to avoid it because I know she's right and have a point for the words she left for me to ponder.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nasa kwarto lang ng mapagdesisyunan kong lumabas at bumalik kayla Ryla. Wala na rin masyadong tao dahil ang ilan sakanila'y umalis na. Binalikan ko pa ang pitsel sa kusina bago dumiretso sa likod ng bahay kung saan agad akong napatago sa ingay na nagpahinto sa akin.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now