22

186 7 0
                                    

"Ang pangit umalis ka nga diyan! Dugyutin!" malakas na sigaw ni Denver kay Shaun na mukhang tinamaan na ng alak.

Pano ba naman, halos ubusin niya ang dalawang bote ng alak na limit niya kaya 'yan nagsasayaw sayaw sa harap ng karaoke with matching mike.

Ang kanta na sinasayaw niya? Pusong bato. Iconic karaoke song na alam ng lahat.

"Patigilin niyo nga, ang sakit sa tainga," inis na sabi ni Althea na nabuburyo na kanina pa.

"Gago kasi bakit niyo binigyan ng dalawang bote nakakahiya sa mga nakakarinig baka sabihin may kasama tayong takas sa mental. Kapag may nagtanong kung sino 'yan... sabihin niyo hindi natin kaibigan. Mukha pa man din siyang timang sa t-shirt niyang nakarolyo. Ano 'yan ginawa niyang bra ang shirt niya?" may pandidiring sabi ni Kaius na patuloy sa pag-inom.

"Baka balak niyang maging sirena sa dagat," natatawang sagot ni Fabius na katabi ko.

Natawa ako sa mga pinag-uusapan nila't pinanood si Shaun na pinkish ang magkabilang pisngi.

May purple headband pa siyang suot kaya mukha nga talaga siyang binabae sa suot niya. Gumigiling giling pa ito at feeling niya siguro siya si Dante gulapa sa pa eagle dance na ginagawa ng baliw. 

Nilapag ko ang hawak kong bote saka siniko si Fabius na napatingin sa akin. "Ipasok niyo na siya sa kwarto niya, nakakaabala na tayo sa iba. Dali na," utos ko rito.

Bagot na tumayo si Fabius at dinamay pa si Kaius na nagrereklamo sa paghila na ginawa nito. Pero sa huli, silang dalawa ang humila kay Shaun na nagpupugmilas sa paghila ng mga ito. Muntik pa siyang mapasubsob sa lupa nang biglaan siyang bitawan ng dalawa.

Kahit kailan talaga, makalat siya kapag lasing. Oo makalat, so sobrang kalat tinatakwil na siya ng mga kaibigan niya.

Nang makaalis ang tatlo, nagkaroon ng katahimikan kaya mataman akong tumingin sa malawak na dagat na ilang metro ang layo sa amin. Kumikislap ang mga pailaw sa kubong pinagtutuluyan namin at presko ang hanging tumatama sa aming mga balat.

Sa gabing ito, pakiramdam ko ngayon lang ako nakahinga ng maayos matapos ng skydiving na ginawa namin. Nung tumalon ako maraming ala-ala ang bumalik sa akin ngunit higit sa lahat, mas naging malaya ang pakiramdam ko kahit na parang masyado akong naging emosiyonal.

From the moment I let myself fall for a short period of time, all I can feel is freedom and satisfaction. Due to that jump, all of my thoughts and pains go away and it really comforts me although I am afraid that after that, everything will return to normal.

That after that jump, I will feel again the pain of my past that is really holding me back from doing the things I wanted to do.

I'm a little scared, but at least it clears my mind a bit.

Si Althea na mismo ang nag-abot sa akin ng bote na binaba ko kanina. Tinanggap ko ito nang may ngiti sa labi saka ininom na parang normal na tubig para sa akin.

"Mukhang hindi pa nila napapakalma si Shaun, tutulungan ko lang sila," sabi ni Denver na tumayo.

Sabay namin siyang tinanguan kaya kaming dalawa na lang talaga ang natira. Rinig namin ang ingay ni Shaun sa loob kaya kahit papaano'y hindi ganun naging tahimik sa pagitan naming dalawa.

"Long time no talk," wala sa sarili kong sabi. Lumingon siya sa akin at parang natawa pa kaunti sa sinabi ko.

Inubos ko muna ang laman ng bote bago ibaba muli sa mesa't sumandal sa hammock na pinaguupuan ko. Dinuyan ako ng hangin na nagpapikit sa akin saglit bago ituon ng buo ang aking tingin kay Althea na nakatitig din pala sa akin.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now