25

195 8 0
                                    

"Uy gago!" malutong na mura ni Shaun ng makabasag siya ng plato dahil sa paglalaro nila ni Kaius.

Ano ba 'yan, nakikitira na nga lang mambabasag pa.

Naglilinis kasi kaming lahat dahil maraming kalat sa buong bahay. Nag-volunteer naman sila lalo na't alam nila na ayoko sa kalat. Mabuti na rin 'yun para naman hindi ako kawawa na linisin lahat ng mga ito. Ang kaso lang, kung mambabasag pala sila parang nagdadalawang isip na tuloy ako kung dapat bang kasama ko sila sa paglilinis.

"Tanga mo naman bro, bakit hinayaan mong mahulog? Bayaran mo 'yan," tatawa tawang sabi ni Kaius.

"Baka kasi ikaw ang may kasalanan noh?! Tiyaka 'wag mo nga akong tangahin d'yan mas mataas ang IQ ko sa'yo!"

"Baka EQ? Huwag kang mayabang parehas lang tayong bobo."

Malakas na hampas mula kay Althea ang natanggap ng dalawa na kahit papaano'y nagpatahimik sa mga ito. Sabay pa nilang tinignan ang dalaga na matalim ang binibigay na tingin sa kanila.

"Maglinis na lang kayo, hindi yung kung ano-anong katarantaduhan ang pinaggagawa niyo! Marunong naman kayong mahiya," masungit na sabi ni Althea. Imbis na pakinggan, nagsenyasan ang dalawa bago nila sabay na kutusan si Althea na napasigaw sa inis.

Iiling ko na lang silang pinanood kahit na parang mas nagkakalat sila sa lagay na ito. Pumasok na lang sila, sakit nila sa brain.

"Bakit ka nandito?" mayabang na tanong ni Denver na nagpalingon sa'kin sa pintuan. Hindi ko pa agad naaninag ang kaharap niya pero sa aking pagtayo, maangas na mukha ni Zaid ang bumungad.

Nagtititigan lang silang dalawa kaya naman lumapit na ako rito para paglayuin sila.

"Oh, Zaid nandito ka na pala," pasimple kong sabi. Pumagitna pa ako sa dalawa na nagpalayo sa kanila kahit papaano. Mabuti na lang at wala rito si Fabius kundi paniguradong tatlo silang magtitinginan ng masama.

Wala siya kasi may pinuntahan, hindi niya nga lang sinabi kung saan.

Ramdam ko ang pagtigil ng tatlo sa loob kaya hinili ko si Zaid palayo sa bahay. Nagtatanong na tingin pa ang pinukol sa akin ni Denver na tanging isang ngiti ang sinagot ko.

"Bakit wala ka kagabi?" tanong ko pagkalayo namin sa bahay. Kahit na alam kong pinapanood nila kami, hinayaan ko na lang.

"May inasikaso, belated happy birthday nga pala," sagot niya kasunod ng pag-abot nito ng isang blue paper bag na ngayon ko lang napansin. Nagpasalamat naman ako na kanyang tinanguan.

"Nasa loob din pala niyan ang result ng lab tests mo. Sinabi sa'kin ni kuya na mas maganda kung bumalik ka sa hospital para raw mas malinaw na i-explain sa'yo ang cancer mo sa baga. Kung tama ang rinig ko baka pag mas tumagal na hinahayaan mong ganyan ang sakit mo, lalala ng lalala 'yan. Ikaw ang maghihirap." Tumingin siya ng malayo matapos niya itong sabihin.

Napangiti ako ng mapait. "Mabuti naman kung ganun."

Rinig ko ang mapait niyang pagtawa pero wala siyang sinabi. Tanging pag-iwas ng tingin ang binibigay niya na para bang pinipigilan nito ang sarili sa mga gusto niyang sabihin. Binaba ko muna ang paper bag sa lupa at kinuha ang sigarilyo na binulsa ko kanina.

"May lighter ka d'yan?" Pinasadahan ko siya ng tingin at ako na mismo ang kumuha sa bulsa ng jacket na suot niya. Aagawin niya pa sana ang lighter ng tignan ko ito sa mata na nagpababa ng kamay nito sa ere.

Tahimik kong sinindihan ang sigarilyo, sa unang hithit ko pa lang napaubo na ako at ramdam ko ang sakit sa baga ko na nagpatawa sa'kin ng malakas.

Oo masakit siya, masakit pero natutuwa akong nakakaramdam ako ng sakit physically. Mas maigi na ang ganitong sakit kaysa ang emosiyonal dahil parang mas nakakamatay 'yun.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora