10

289 7 0
                                    

"Talaga?!" sigaw ni Ryla nang marinig na dadating sa Pilipinas ang favorite band group niyang 5SOS.

Lahat ata ng activities nila alam niya pati buhay ng favorite niyang si Luke Hemmings binabantayan niya. Gusto naman niya lahat ng members, pero mas lamang daw si Luke dahil mas pogi.

Ewan ko na lang sa kanya, hilig niya sa mga pogi.

Naglulundag lundag siya sa saya habang nakikipag-usap sa kaklase naming parehas na adik sa band na 'yun. Buti kamo at hindi k-pop ang kinaadikan nito na umuusbong na talaga sa iba' ibang panig ng mundo.

"Aray ko naman!" daing ko sa bigla na lang niyang paghampas sa aking braso.

Kailangan ba talaga kapag kinikilig manghahampas na lang bigla? Ang sarap mamputol ng kamay.

Kahit na sumigaw ako, hindi pa rin niya ako pinansin kaya umusog ako para lumayo. Basta sa mga ganyang bagay wala na siyang pakialam kung makasakit siya ng iba. Hindi sa nagiging madrama ako, sadyang rapas ang kamay niyan kaya kahit mahina lang masakit pa rin talaga.

Paano ba nila nagugustuhan ang ganito niyang pag-uugali?

Bakit nga ba kasi ako nagtatanong? Eh, maganda nga pala siya kaya kahit bagtit ang ugali niya, marami pa ring magkakagusto.

"Mara," tawag ng kung sino sa pangalan ko. Nilingon ko ang kaklase ko sa likuran na may tinuturo sa pinto.

Pagtingin ko, nakita ko ang isang mama na may hawak na box ng pagkain at mukhang may hinahanap.

"Ikaw ata ang hinahanap, Xiomara daw, eh," dagdag na sabi nito kaya tumayo ako para lumapit doon.

Nakuha ko ang atensyon ng mama sa aking paglapit. "Ikaw ba si Xiomara?" tanong niya.

"Ah... opo, bakit?" Natuon ang tingin ko sa box nang makita ang laman nun na maraming cream puff. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Isa kasi ito sa pinaka-paborito kong dessert bukod sa chocolate na gusto ng lahat.

Hindi nila alam kung gaano kasarap ang filling niya sa loob lalo na kapag malamig. Ang lambot din ng tinapay niya na umaapaw sa cream kapag kinagat na.

"May nagpapaabot po nito, sige po mauuna na ako marami pa po kasi akong deliveries." Dali-dali niyang inabot sa'kin ang box kahit na tatanungin ko pa lang sana kung kanino galing.

Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Oo paborito ko ito pero paano kung may lason pala ang cream puff? Edi wala na, mas maaga na akong mamamatay.

Cause of death, cream puff.

Bitbit ko ang box na bumalik sa upuan, mukha namang hindi napansin ni Ryla ang aking pag-alis dahil makatili kala mo high school student. Bahala na nga lang siya d'yan, lalamon na lang ako kahit na parang nagdadalawang isip akong kainin.

"Hindi naman siguro ako nito papatayin, sa sarap siguro pwede pa."

▪▪▪

May kaunting panghihina akong lumabas sa banyo, ito na ang pang limang beses kong pabalik balik sa loob ng cubicle at feeling ko mahihimatay na ako.

"Ano ba kasing kinain mo?! Halika na sa clinic, puting puti na yang bibig mo. Sandali tatawagan ko si Ravier para alalayan ka, tapos na klase nun," taranta niyang sabi.

Tutol man ako, literal na masakit ang tiyan ko at hinang hina na ang buo kong katawan. Kaya kahit sabihin kong 'wag na, mukhang ayaw makisama ng katawan ko.

Ang ayoko sa lahat yung sumasakit ang tiyan ko dahil sakop niya ang buo mong katawan. Okay lang kapag ulo o ibang parte ng katawan, pero kapag ito na ang sumakit hindi ko na kayang i-manage ang aking sarili.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now