Chapter 21: He's sick: Egg yolk(Part 2)

9.4K 246 2
                                    

A/n: T.T guys I know it has been ages since my last update. You know school at nung vacation walang net. At ang mas malupit wala na kaming internet simula pa November. Diba ang saya? T.T

*Raven's POV*

It was almost 10 am when I reached our room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto and took a peak. There I saw him, lying down, facing the window and sleeping.

I walk towards him quietly. I went to his side and saw his face. Ang putla niya. I went to the window and closed the curtain. Medyo nakakasilaw na din kasi ang araw.

Inayos ko yung side table na nasa gitna ng higaan namin para may malagyan ako ng pagkain at inayos ko na rin ang pagkain namin. Nang natapos ko na ang lahat, inayos ko ulit yung buhok ko sa pagkakatali at naghugas ng kamay.

Bumalik ulit ako sa kama niya at ganun parin ang posisyon niya. Ang himbing niyang matulog. Sobrang himbing na para bang pag ginising mo, ang laking kasalanan na. Kaso, kailangan niya kumain para maka-inom ng gamot.

I squatted beside him. I hesitantly put my hand on his shoulder. Nang maipatong ko na ay dahan-dahan ko itong niyugyog pero hindi parin siya nagigising. "Moo..." I said sabay galaw ng balikat niya. Kaso mukhang ang himbing talaga ng tulog niya.

Binawi ko ang kamay ko at tiningnan lang siya. Mukhang pagod talaga siya. Hindi naman kasi ito mahirap gisingin. Konting galaw ko lang nga sa kama ko nagigising na siya, kulang nalang hindi ako huminga kapag natutulog kami.

I looked at him for a moment. Gaya nga ng mga nasa palabas at libro, mukhang anghel ang isang gwapong nilalang pagtulog, kaso ito ang consistent. Gusto kong isipin na mukha siya anghel dahil di mo naman maipagkakailang gwapo pero wala eh, consistent talaga; pati pagtulog poker-faced parin.

I put my finger on his cheek without hesitation, I poke it. "Huy, gising..." I said while poking his cheek. Bahala siya diyan, di ako titigil hangga't hindi pa siya nagigising.

After a couple of poke, I saw his eyes slowly opening. Bilib na talaga ako sa taong to, kakabukas palang nga ng mata ang sama na ng tingin sa akin. Talk about being consistent.

Binawi ko ang daliri ko at umatras ng konti, hindi natin alam kung ano ang planong gawin ng nilalang na ito. I just smiled sheepishly at him and stood up.

"Bangon na po mahal na Prinsipe. Handa na po ang inyong almusal." I said and went to the other side of his bed to get my food.

I saw him getting up and turning his body to the side. Don't tell me... "Hep, hep, hep, ang tigas din ng ulo mo, sabing bawal ka pang tumayo." I said as I held both of his shoulders trying to stop him. He just looked at me blankly while I send daggers to him. After that staring contest he held my wrists and pulled it away from him. "Awww," daing ko.

"I won't. Sitting is not prohibited, right?" he said with sarcasm and sat properly on the side edge of his bed, his injured foot hanging from the ground while the other one is folded on the bed.

I just shut my mouth up in embarrassment. Marunong din naman akong mahiya pero iba ang impact pag itong mokong na 'to ang may gawa. Minsan nasasanay na lang ako at mukhang immune na rin ako. Wala eh, ang daming pangangatuwiran ng taong 'to sa buhay niya.

I picked up his bowl feeling defeated, or should I say literally defeated. I look back at him, still in the same position. Nakatanga naman siya sa kawalan. With his infamous poker face.

I put one of his pillows on his lap. Pero parang walang nangyari. I put his bowl on the pillow yet still holding it. Baka matapon pa at mapagdiskitahan pa akong sermonan. "Kain na po."

His gaze was diverted on the bowl I was holding. Then, surprisingly, he moved his gaze up to me. I panicked for a second but immediately looked away. What was that? Hindi naman din ito yung unang beses na tumingin siya sa mata ko. Pero kasi may iba eh. There is something weird about his stare. It's not just a normal blank stare nor a glare that he used to give me. For the first time that I've been with him I saw emotion in his eyes. I don't know if I should be happy about it because he looked sad.

Heh! Manahimik ka nga Ray, imposible naman yun, diba?

I saw on my peripheral vision that he took a hold of the bowl so I took my hand away. But one thing caught me off guard, our skin was brushed to each other for a matter of seconds. May lagnat nga siya kasi sobrang init niya kahit dampi lang ang nangyari.

This isn't the first time that I touched him. Yet, there was still a eerie feeling inside me.

Kinuha ko na ang pagkain ko at isang unan at umupo sa carpeted floor. Medyo madumi kasi akong kumain kaya dito ako sa sahig kumakain. Mahal na mahal ko kasi ang aking kama kaya bawal marumihan. Sumandig ako sa kama ko kaya nakaharap ako sa kanya. Then, I took my first spoon of the day.

While chewing, I kept staring at him- specifically, on his bowl. I saw him opening the boiled egg's white so its egg yolk is visible. But what he did next was unexpected and unbelievable. I mean, ako ba ang may sakit at mukhang nagdedeliryo na yata ako.

I looked on my plate then at him, I did it again for about a couple of times. I gulped the big lump on my throat before gaining my strength to speak. "May sakit ka nga," I said while nodding my head.

Hindi talaga to kapani-paniwala. I looked at him intently. I guess he felt it because he stared back. But after a matter of seconds he looked away and said, "I don't eat egg yolk,"

Ayun yun eh. Exaggerated ka kasi eh. Binigyan lang ng dilaw ng itlog kung maka-react ka naman wagas.

Pero pwede niya naman din itabi at itapon 'di ba? 'Di ba? As I thought of it, I stared back at him like he had two heads. And again, he stared back, for about half a second and looked pass me.

"It's food. I don't want to just throw it away." he said and continued eating.

Ikaw na. Minsan talaga nagiging paranoid ako at iniisip na may supernatural powers 'to na kayang basahin ang iniisip ko. Tch.

I rolled my eyes heavenward. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain. Napansin ko yung egg yolk kaya tumingin ako ulit sa kanya na busy sa pagkain. Kainis, ang arte pati dilaw ng itlog hindi kinakain. Sinubo ko na lang ito habang nakatingin sa kanya, iniisip na siya itong kinakain ko. Kaya gigil na gigil ako.

For the second time of the day, I rolled my eyes. Bahala nga siya dyan. Kinagat ko yung bacon ko habang sinusubo niya yung egg white. I guess it was the last one since there's only a piece of egg. Bigla tuloy akong na-guilty.

Ewan ko ba, hindi ko naman kasalanan na hindi sya kumakain ng dilaw ng itlog. Alam niya bang yun ang highlight ng itlog.

I looked down on my plate to see my boiled egg still alive. Hindi ko pa pala nagagalaw. I look back at him then to my plate. I just shrugged my shoulders and took the yolk out. I scooped the white one with spoon and put it on his bowl.

He paused for a second and I said- "Baka kulang," and continued eating in silence.

Nauna siyang natapos kumain, kaya nilagay niya na ang bowl niya sa side table at inayos ang pagkaka-upo sa kama. Natapos na rin ako agad kaya kinuha ko na ang bowl niya at nilagay sa Japanese style na table namin kasama and plato ko. Pinasok ko na ang mga pinggan sa paperbag at pumasok sa aking walk-in closet para kunin ang aking bath towel at mga damit.

Actually, hindi sanay sa ganitong set up. Noong first three weeks ko dito hindi ganito ang ginagawa ko, but these past few days was different. Ako laging nauunang magising kaya solo ko ang kwarto. Tinatanong niyo kung bakit bigla akong sinapian bilang early bird? Well, change is the only permanent thing here on earth. Bago-bago din pag may time.

As that thought crossed my mind, I immediately hit my head. Really hard. Mukhang tama nga si Robin... Isa akong malaking engot!

"Engot mo talaga Ray!"

*~*~*~*~*~*~*~*~
A/n: alam kong hindi pang-bawi ang chapter na 'to. Sige lang, pipigain ko ang malikot kong utak XD
***

By: Raven Black

UNEDITED



A Hundred Boys and A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon