Chapter 5: Hello ALL-BOYS SCHOOL!

15K 381 8
                                    

*Raven's POV*

Ikot dito.

Ikot doon.

Gulo ng buhok.

Sigaw sa unan.

Ikot dito.

Ikot doon.

Gulo ng buhok.

Sigaw sa unan.

So on and so on.

Grabe lang, para na akong mababaliw nito. Mali pala, baliw na ako! No, not me, my brothers. Coz' you know what? They are freaking serious! Ako? Sa isang all-boys school? Oh my precious bag of chocolates! No way!

Then I heard a commotion from outside. Inilapit ko yung tenga ko at nakinig.

"Ikaw na kasi!" I guess si Robin 'to.

"Ako? Eh mas close naman kayo! Ikaw nalang." Pangungulit naman ni... Rain? Aha! Nagtutulakan sila kung sino ang papasok sa kwarto ko. Nagpatuloy naman ang pagtuturo nila. Haay...

"Makinig na lang nga tayo!" Robin suggested. I can see an image of them leaning on my door. Hmmm... Ano kayang pwedeng gawin? Pinihit ko agad ang doornob at...

"ARAY!!!"

Inda nila habang ako humagalpak na sa tawa. Paano ba naman, pagbukas ko, nahulog si Rain tapos si Robin kaya nasa ibabaw siya ni Rain. Bigat na bigat na si Rain kay Robin. Tumayo sila ng maayos. They gained their posture before looking at me deadly. Ohhh, creepy!

"--what do y-you need-- pfft!" I said between laughs. Grabe epic talaga! Okay, medyo seryoso sila. I guess I have to. Minsan lang to mga 'tol!

"Raven, alam ko naman din na ayaw mo eh. We can put you in a home--" I cut Robin off. Alam ko na ng sasabihin nito. Ipapa-home school niya ako. Boring kaya! "Kuya! No! Ayoko! Ang boring noh! Lalo na pag matanda yung teacher." pagmamaktol no. Just telling the truth.

"Okay, pero kung hindi mo talaga gusto, just tell us." sabi ni Kuya Rain. They both kissed me on my forehead and bid their goodnights.

Alam nyo, okay lang naman sa akin na sa all-boys school ako. Hep! Wag kayong mag-isip ng masma, 'kay? Kasi naman sa buong buhay ko mga kuya ko ang kasama ko at isipin nyo nga 5 ang katropa kong lalaki at 2 lang ang babae. Diba? So, sanay na ako sa atmosphere ng mga lalaki. 'Tsaka mas lalaki pa nga ako gumalaw sa kanila eh! hehe.

Pero alam nyo kung ano ang ine-emote ko dito? Guys, kayo kaya, babae tapos papasok sa isang ALL-BOYS BOARDING SCHOOL? Keri mo? I mean oo, may posibilidad na marami akong maka-close, pero doon din ako matutulog? Sana ako lang talaga ang mag-isa sa room ko!

Nakatulog naman ako agad. Pero pinag-isipan ko kung paano ko sasabihin sa tropa na hindi kami magkikita for the whole school year. Bawal kasing umalis. Haay, kainis nga eh!

~~~~~~~~~~~

Magkikita kami ngayon ng barkada sa park na malapit sa school. Sabado ngayon kaya't walang gaanong tao. Pagdating ko doon...

Sabihin nyo nga, talaga bang lagi akong late o sadyang maaga lang sila?

"Uy si ate Ray!" sigaw ng bunso namin. Agad namang tumungin ang lahat sa direksyon ko. Wala ngang katao-tao dito, kaya solo namin 'to. Grabe kinakabahan ako!

"So what are you gonna say?" tanong ni ZJ. Busy tayo pre? Nagmamadali?

"Wag excited okay? Chill." pagbibiro ko. Inirapan lang ako. Hehe, pero wag kayong mag-alala hindi naman talaga masungit si Z. Minsan lang. Ngayon ang pinoproblema ko ay ano kaya ang magiging reaksyon nila.

A Hundred Boys and A GirlWhere stories live. Discover now