Chapter 44: Ang sabi ko...

7.9K 252 33
                                    

Raven's POV

"Earth to Raven! Yoo hoo! Are you there?!"

"Ay tipaklong!" Gulat na saad ko saka tumingin kay Patty.

She rolled her eyes. "Ang gandang tipaklong ko naman."

Napaigtad naman ako ulit nang may pumisil sa kamay ko. I looked to my side and I saw a pair of worried eyes.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong sa akin ni ZJ habang patuloy na pinipisil ang aking kamay. Tumango naman ako at ngumiti.

"Hey guys!" Dezz burst the door open with a duffel bag on her hand. "Girls! I already have our costumized jereseys!" Tili niya.

Agad naman namin tiningnan ang laman ng duffel bag niya. Nagpaalam kasi si Dezz sa admin kung pwede din ba kami gumawa ng jersey namin na pareho sa official jersey ng varsities. Okay lang daw basta iba ang jersey number sa kanila para hindi daw nakakalito. Meron kaming konting binago. Our jerseys was a combination of white and green. Naninibago ako kasi madalas gray o blue--ugh! Stop it Ray!

"Ray, sukat mo sa yo!"  Binigay sa akin ni Patty ang isang jersey.

Morgan
12
Go Green Warriors!!!


I gulped. Bakit 12 pa? Sa dinami-daming numbers, ito pa?

Lancaster, 12.

"Tadhana nga naman," I muttered.

"Hey, Ray Girl, don't you like my design?" Nalulungkot na tanong ni Dezz sa akin.

Umiling ako agad. "Hindi ah. Maganda nga eh. Pero bakit 12?"

"Well, November 13 ang birthday mo but there's 11 and 13 na sa varsities. So I just picked the number between. Is it okay?" She explained.

"Oo naman kahit 125 times 10 squared pa." Biro ko.

"Naks improving ang Math skills ah!" Kantyaw ni JC at tumawa naman sila.

"Ansabe ng 78 mo sa 89 ko!" I defended. Yabang nito, akala mo ang talini din sa Math.

"Sabi ko nga, mas matalino ka sa akin."

"Okay, nandyan na ang bus. Eight am alis na tayo, lunch on the way, makarating tayo around one and the game starts at two. Let's get moving now." ZJ announced. Lumingon siya sa akin. "Let's go?"

I scratch Snowball at back of his ears. "Kunin ko muna mga gamit ni Snow sa locker ko."

"Samahan na kita," he stood up and took Snowball's leash. I grab it from him and playfully pushed him.

"Wag na! Hindi ako PWD, kaya ko na to. At saka, captain ka, nakakahiya kung ikaw pa ang late. Sa kotse naman ako ni Dezz sasabay." Paliwanag ko habang tinatali si Snowball. Ang likot nga eh, ayaw magpatali, gusto niya kasi laging tumatakbo kahit saan.

Ginulo niya ang buhok ko. "Okay, big girl." He tucked a short strand behind my ear. "Hindi pa rin ako sanay sa bagong hair style mo." He gave me his mega-watt smile and left me under the bleachers where we usually hang out.

Yeah, you heard it right. Pumunta kasi sa salon sila Dezz at Patty noong isang araw, sasama lang talaga ako para malibre ng kain pero may nakita akong hair style sa magazine na nagustuhan ko. Ang mahabang kulot na buhok ko ay pinaputulan ko hanggang balikat at inunat. Pinalagyan din ni Dezz ng side bangs na tinutulan ko pero nanalo rin sila ni Patty. Mas tumingkad tuloy ang pagkaitim ng buhok ko.

Umalis na rin ako kasi naghihintay na sila Patty sa akin. Panay naman ang takbo ni Snowball pero hindi nakakalayo dahil sa tali. Ang likot talaga. Nagsimula ito nang matutong maglakad.

A Hundred Boys and A GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora