Chapter 22: Gala pa more!

10.5K 265 10
                                    

Guyz, I got a question...
Should I just continue the whole story with Raven's POV ONLY? Or is it better with Raven's and Vince's and the other guys' thoughts? Suggestions please????? (*3*)

*Raven's POV*

I dried my hair with a towel while looking at the mirror here inside the bathroom. May hair dryer naman ako, pero yung demonyo ayaw ng ingay. Dapat daw hanggang 10 decibles lang ang ingay na naririnig dito sa kwarto NIYA. Tss.

I put both of my hands on my cheeks and started to tap it. "Wake up Ray. Buckle up yourself. Alam mo na ang ginagawa mo ay para sa ekonomiya ng ating bansa!"

After my self-counseling, I got out. Dahan-dahan ko itong binuksan at sinilip ang kama niya. Tingnan mo to, kakakain lang K.O na.

Pinabayaan ko nalang siya at nag ayos na. Simpleng red waist-hight skinny jeans, navy blue v-nech shirt and black flipflops. September na pero mainit parin, gusto ko ngang mag-shorts eh. Sabi kasi ni Ethan wag na daw muna akong magsuot ng maiigsi at hapit na damit pag lumalabas ako ng kwarto kasi hindi daw nila alam kung ano iniisip ng ibang estudyante tungkol sa pag-aaral ko dito. Oh well, kailangan sundin ang mas nakaaalam.

Lumabas na ako dala ang phone at wallet ko na nakalagay sa maliit na sling bag. Malapit na akong mag-one month dito sa L.A pero hindi ko alam na may shopping plaza pala dito. Since hindi basta-basta makalabas dito, sa plaza nalang sila gumagala. Hindi ko din ito napansin kasi lahat ng classroom ko ay nasa right wing at yung plaza naman ay nasa likod ng left wing.

Hindi naman din sa tamad talaga akong pumunta ng plaza dahil malayo. It was closed three days after I arrived because of renovation. To sum it all, I have no idea that such place exists.

Before going out, I took a glance at him again and closed the door. Bumaba na ako kasi sa lounge kami magkikita ni Baby. Siya ang nagsabi sa akin na may plaza dito. Naka-tanggap pa nga ako ng sermon dahil wala akong alam. Malay ko ba.

Pagkababa ko ay nakita ko agad siya na nakaupo sa isa sa mga couches.

"Baby ko!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kinauupuan niya. Tumingin din naman lahat ng estudyante dito sa lounge. Tiningnan ko ng masama ang mga gwapong echosero na nakatingin sa amin. "Kayo baby ko? Kayo ba?" I snapped at them. Patay malisya naman silang bumalik sa ginagawa nila.

I clinged on baby's arm. In fairness di na siya gaanong payatot. Pansin ko din na nitong mga nakaraang araw ay di na sya gaanong binu-bully. Lagi kasi kaming magkasama. Anong connect? Well, I think these bullies don't like to get on the bad side of me. Tama lang no, kasi mas gwapo si Baby kaysa kanila.

Aside from me being always with him, I think one reason is a guy with the name of Vincent Lancaster. Dumulas kasi sa dila ko yung sitwasyon ni Baby one day. Turns out na yung mga bullies pala na yun ay nambu-bully din ng mga freshmen, kaya ayun pinarusahan yung mga ugok. Sinabi niya pala yun kay Ethan na President ng Student Council.

But, why on earth am I thinking of that bloke?

"I miss you Baby ko," paglambing ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Nakakaloka, kung sa ibang babae, nakakasuka 'pag lumapit sila, pero sa iyo hindi."

I smiled to myself with his honesty. Isa ito sa gusto ko sa kanya. Ang dami niyang ugali na pwedeng pang-ideal boyfriend. Gwapo, matalino, gentleman, understanding and sincere, oh saan ka pa? Kung hindi lang talaga...tsk.

I flipped my hair before looking at him to answer. "Kasi nga maganda ako. Mas maganda pa sa 'iba' dyan."

Huminto siya sa pagbaba ng hagdan kaya napahinto ron ako. I turned to him and found him looking at me intently. "No, you're wrong," he said which made me pout. But then, he immediately smiled sweetly at me and continued, "Ikaw ang pinakamaganda."

A Hundred Boys and A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon