Chapter 24: Round two?

9.3K 279 2
                                    

*Raven's POV*

"Nag-away naman ba kayo?" Troy asked pagkadating namin sa lounge ng dorm. It's almost nine in the evening now.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Ewan ko ba sa mokong yan. Kanina pa siya eh," I stared at him going up the stairs. Hindi man lang ako hinintay.

"Baka naman na ginawa ka kaya nagtampo," singit naman ni Kurt.

"Suyuin mo nalang," dagdag naman ni Ethan.

Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. "Ahhhh! Ewan ko!" I said and stomped away from them.

Kanina pa talaga siya. Simula nang umalis ang bus sa DGU ay hindi pa kami naguusap. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nararamdan ko. It's mixed feelings. Nakaka-inis, nakaka-guilty, at higit sa lahat nakakalito. It's confusing what his actions means. Pero maliban doon, nagagalit at nasasaktan din ako sa pinaggagawa niya. Lalo na kanina sa resto stop kung saan kami nag-dinner.

*Flashback*

Kakatapos ko lang mag-dinner kasama sina Troy at Kurt. Pero nakulangan ako sa kinain ko kaya naghahanap pa ako ng makakain dito sa resto.

I found their sweets stall, so I went there to see what they have. Marami ditong candies, chocolates and such. Typical sweets stall. I found Kitkat, my favorite chocolate. Papunta na akong cashier at bigla kong naalala na wala pala akong dalang wallet.

There, I saw him. Nagbabayad siya ng bili niya kaya nagmadali akong lumapit sa kanya. "Moo, pasabay naman nito oh, bayaran lang kita pag-uwi natin."

He just stared at me so I smiled at him. May bigla namang umepal.

"Kilala mo ba siya?" tanong ng babae na nakasunod sa pila. Pangarap yata nitong maging clown sa sobrang kapal ng make-up. Sige ate, push lang, suportado kita sa career mo.

"Of course, he--"

"No," he cut me off. "I don't know her." dagdag niya at kinuha ang mga pinamili niya bago umalis.

I don't know but I felt something in my chest stung because of what he said.

"FC ka pala teh eh. Hindi ka kilala magpapa-libre ka? Eh nakikisingit ka lang yata eh!" maarteng saad ng babae.

I glared at her. "Kilala ko yung demonyong yun at kilala niya ako. Eh ikaw?"

"Hindi, pero--"

"Hindi naman pala eh, kaya manahimik ka dyan bago ako makahampas ng crayons diyan sa pagmumukha mo na kamukha si Zambozo at maipadala sa mga ka-uri mong clown!" I said through gritted teeth.

Ahhhhh! Curse you Vincent to the pits of hell!

*End of Flashback*

After that, he never talked to me again and I did the same. That's what he wants anyway.

Nakarating na kami sa fifth floor kung saan ang room nila. We turned right and saw Ethan talking with someone, his back facing us. The back which is facing us is really familiar.

"Let's get ready to ramble!" Troy said jokingly. Siniko ko siya nang matigil.

Nakarating na kami sa harap ng kwarto nila. Vince looks serious and his ears are red. Habang si Ethan naman ay may ngiting tagumpay.

"Sige guys, mauna na ako." paalam ko sa kanila. Minus the flat-face.

What the hell, Raven?! Flat-face? You're really a genius!

"Hatid na kita," sabi ni Kurt na akmang maglalakad na.

"Hindi na. Malapit nalang naman. I think I'm smart enough to climb that stair case," I said and rolled my eyes. "Tska, mukhang may importante kayong pag-uusapan." I added emphasizing a word and threw a look at Vince's direction.

A Hundred Boys and A GirlWhere stories live. Discover now