Chapter 45: I was made for loving you

8.9K 262 25
                                    

#RaVi forever

Raven's POV

"Dali na Ray..."

"Pretty please, Ray Girl..."

Bakit ba ang hilig akong hilahin ng dalawang to?

"Uwi na tayo, 4:30 na oh! Gabi na tayo makakarating." I reasoned out.

Kasabay pala ng championship game ngayon ay ang closing ng intramurals ng LA. May closing program sila mamayang six. Nalaman ng dalawang to na may mga performances mamaya at fireworks kaya ayan namimilit. Gusto rin daw nilang i-try ang booths kasi mas sossy daw dito kaysa amin. Pero hapon na kaya, alam naman ng dalawang to na limang oras ang biyahe namin. Pinauna ko na nga si Snowball eh, pinasakay ko ng ng taxi mag-isa. De joke lang. Pinasama ko kay Katelyn, kaklase ko, pauwi ng school kasi doon kukunin ni Robin si Snowball.

"Alam mo ikaw, simula ng public confession nung Lancaster na yun sa yo, lutang ka na. Hindi ka ba nakikinig kay Sir Gino?"

Inirapan ko si Patty. "Kailangan talagang ipaalala?" Pagkatapos sabihin ng flat-face na yun ang three magical words, nag-assume na ang dalawa na ako yong sinasabihan. Narinig kasi nila yong 'RaVi'. Ima-massacre ko talaga yong mga loko na sumigaw non. Umalis naman ako agad at hindi na hinintay tong dalawa na panay ang asar sa akin.

"Oh, ano bang sabi?" Tanong ko. May informal meeting kanina pero wala talaga akong na-absorb sa sinabi ni Coach Gino.

"The players were invited by LA to celebrate their intramurals. The PEA's owner has agreed so we have nothing to do now." Dezz fed me the details.

"Marami daw bakanteng kwarto sa dorm nila na kasya ang buong team kaya over night dito ang may mga consent."

There's a lot of unused rooms at the dorm. May limang palapag ang dorm, each floor ay may walong kwarto plus dalawa na nasa loft (isa doon ay yong kwarto ko dati). Hindi naman aabot 200 ang estudyante dito at tig-tatlo o apat bawat isang kwarto kasi malalaki. I'm sure the rooms would be more than enough for us but...

"Teka, akala ko ba buong team lang? Supporters lang naman tayo eh..." tumiklop na kayong dalawa please. Ayaw ko talagang matulog dito.

"Oh please Ray, we always have VIP tickets because almost half of the team are our friends." Bara naman ni Dezz.

Pero-- "Wala naman akong consent!" Rason ko ulit.

"Napaalam na kita sa mga kuya mo, aba pinagtulakan ka talaga dito. Nagtaka pa nga ako sa sinabi ni Kuya Rand eh, and I quote, 'tell her to take her time and mend things with him'. Chaka, lakas maka-bugtong ng Kuya mo." Sabi naman ni Patty.

Si Kuya Rand talaga! Botong-boto yon kay Beans eh. Actually the three of them does. They would ask me every day if I talked to him already. Kaninang umaga nga sinabihan pa ako ni Robin na dapat sagutin ko na daw si Vince pag nagkita kami. Oh di ba? Bugaw kung bugaw. Wala na talaga akong kakampi.

Tinitignan ko lang sila. I pulled my puppy face with paawa effect pa.

"Bahala ka dyan!" Sabi nilang pareho. Oo, pati si Dezz na na englishera. Talagang major walk-out ang ginawa ng dalawa. Iniwan ba naman ako dito sa parking lot!

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ayaw ko nga maiwan doon ng mag-isa, malapit na rin mag-dilim.

Tahimik lang akong sumunod sa kanilang dalawa.

"3..." I started to count. "2...1..."

"Saan nga ba tayo liliko?" Nalilitong tanong ni Patty.

Napairap na lang ako ulit. Ang laki kasi talaga ng LA.  Pupunta na sana sila sa kanan nang pigilan ko.

A Hundred Boys and A GirlWhere stories live. Discover now