Chapter 32: Periodical Exams

9K 246 30
                                    

#JokeLangPo ;)

Raven's POV

X...Y...proportional...value...constant...213...square root of 529x²...the plot of...graphing...quadrant four...

"Ayaw ko na!" I shouted and stood up. Tumakbo ako papunta sa kama ko at tumingin sa kanila. "This is mental torture," I pouted.

Brain, okay ka lang ba dyan?

Brain: *internal malfunction*

"It would be easier if you listened." Epal naman ng isa diyan.

"Nakinig kaya ako!" I defended.

"Kay Sir Dino, yes. Eh kay Sir Rick?" Sabat naman ni Baby.

"Baby naman eh! Dapat kakampi kita!" Saway ko.

"Kakampi mo naman ako Veve. Pati nga brain cells ko, nagwawala na," reklamo niya din at nakinig na kay Ethan. Yep, everyone's here, getting ready for the periodicals. Today is September 14, Wednesday which means tomorrow is the test.  Kahit sila Troy at Kurt nga seryoso habang nagaaral ng regular Math nila.

Mad nahihirapan ako kasi wala ako dito noong June at first week of July kaya kailangan ko pa pagaralan yung mga lessons nila.

"Magpatulong ka kaya kay Vince. Tutal kayo naman dalawa ang may kapareho ng Algebra class." Pahayag ni Ethan.

I threw a look at Moo. Pagtingin ko ay nakataas ang isang kilay niya sa akin. Mukhang walang balak na turuan ako. "Edi naging times two ang mental torture ko,"

I know Vince wouldn't let my job easy. Lumapit si Ethan kay Vince at nagusap sula. They were talking in hushed voices. Kumunot ang noo ni Vince at mukhang hindi nagugustuhan ang sinasabi ni Ethan.

"Papa Troy naman! Turuan mo din ako!" Narinig ko si Baby na kinukulit si Troy.

Actually, it took a lot of time before we finally made Vince let them stay here. Kailangan pang magwala ni Troy at Kurt sa labas ng kwarto bago pumayag si Vince. Ewan ko ba at bakit dito nila gustong tumambay. Sabi nila madami daw kasi resources dito. Maliban sa utak ni Vince mapapansin mo din ang mga makakapal na libro sa shelf sa tabi ng study table niya.

Ethan stood up and went back to the Japanese table. Napatingin ako kay Vince at laking gulat ko na naglalakad na siya papunta sa direksyon ko.

I can't help but notice how he saunters towards me. His hair was disheveled in a perfect way. He was just using his old jersey shorts and black top which fits his body perfectly. His face was blank as usual but you can see how perfect his features are. Oh my gosh, did I just check him out?

I shook my head. "Gwapo lang siya. Nothing more, nothing less," I muttered to myself. Pero matalino din siya, magaling sa sports at tinulungan niya na ako ng maraming beses. He can be so kind and soft-- "Stop it!" I said to myself.

"Stop what?" A voice said beside me.

"Ay gwapo!" Gulat na saad ko at tumalon--este nahulog sa kama. Tinawanan ba naman nila ako.

"Wag masyadong dumikit sa sahig Ven!" Asar naman ni Troy. Kainis tong mga to.

Bumalik ako sa kama habang hinihilot ang pwet ko.

"Sinong gwapo?" He asked as he sat comfortably on my bed.

I looked around to find something. Alangan naman siya ang isagot ko di ba? Siya naman din talaga.

"Yung langgam, gwapo," palusot ko. Ha ha ha, Raven.

He rolled his eyes and tapped the space beside him. I just gave him a weird look. "You want to understand Algebra, right? Better come, before I change my mind," mas mabilis pa sa alas kwatro, umupo ako sa tabi niya.

A Hundred Boys and A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon