Chapter 19: A different night

10.2K 289 2
                                    

*Raven's POV*

The ball is in my hands. I'm dribbling it with confidence. I slightly lowered my body and looked at him with smirk playing on my lips. Somewhat like challenging him.

He's blocking my way to the ring. Hindi pa ba siya satisfied? One point lead na nga siya eh. Kaso ang hirap maka-takas sa guard niya. Laki kaya ng damuhong to.

Instead of playing a normal basketball game, we decided to make our own. Pa-unahan lang maka-15 points. Our current score is 14-13. Siyempre leading siya. Malay ko bang magaling nga siya.

I'm trying to figure out a way to have points. Dalawa lang talaga, mananalo na ako. Kaso ang hirap talaga eh. His arms are widely spread, blocking any possible way to get out of his guard. He's staring at me seriously. Ganun niya ba talaga kagusto manalo?

I was about to loose hope because of his advantage. But I found out where I am capable of. I know he knows what basic trick I can do. Alam niyo ba yung usual na trick na kunwari pupunta sa kaliwa pero mabilis na babalikwas? It is called "fake drive".

I was about to go to the left so he guarded me immediately on the right, yet I don't want that kind of trick. Tinuloy ko ang plano ko and run to the left. Ito na ang field ko. Sa aming magkakabarkada ako ang pinakamabilis tumakbo kaya di agad ako nahuhuli ng mga guards tuwing nagka-cutting kami.

Malapit na ako. I can see him on my peripheral vision trying to catch me. Yet, too late man.

"Oh yeah!" I said and threw my fist in the air. Victory is mine!

I was still doing my victory dance nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin.

I smirked at him. "Pano ba yan? A deal is a deal dude." I said confidently.

"Tss..." sabi niya tapos naglakad na papunta sa mga bleachers. Sinukbit niya ang bag niya at naglakad papunta sa pinto ng gym. Wag mo sabihing tatakas siya? Di pwede no!

"Hoy, hoy, hoy walang madaya. Gagawin mo dapat ang deal natin. Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang walang narinig.

Tinawag ko lang siya ng tinawag at kinulit about sa deal namin. Naka-abot nalang kami sa dorm, di niya parin ako pinapansin. Nabingi na yata. Pinagtitinginan na nga kami ng mga schoolmates namin dito sa hallway.

Lakad lang siya ng lakad and I'm completely ignored. Nang makarating kami sa kwarto ay agad ko siyang sinermonan. While he's holding the bridge of his nose looking frustrated.

"Hoy lalaki! Maayos tayong nag-usap kanina tungkol sa mapapanalunan. Malinaw naman diba? Bakit ba--"

"Oo na! Gagawin ko ang gusto mo! Pwede ka na bang manahimik?! Let me take a break, will you?!" He shouted and burried his face on his pillow.

I was standing there in utter shock. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. He looks so frustrated. Mukhang pagod na nga siya. Ganun na ba ako kakulit? Kahit naman makulit ako, I don't want to see people being sick of me.

Kaya ba, gustong-gusto niyang manalo kanina dahil talagang makulit na ako? Sobra na ba talaga? I did't expected him to explode like that. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko siyang ganun. Nagkaroon ng emosyon ang mga mata niya. A guilt is starting to grow in me.

I just looked at his body collapsed on his bed. I guess I need to give him a break.

~~~~~~~~~~~~

*Troy's POV*

"Troooy!" Kurt shouted at the top of his lungs. Binuhat niya ako at binagsak sa kama.

"Hahaha! Dude epic no'n!" Sabi ko at tumawa. Nilalabas niya sa akin ang kahihiyan niya. Nauwi tuloy kami sa wrestling. Ito and work-out namin.

A Hundred Boys and A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon