Chapter 30: Meeting another Lancaster with a Female dog

9.1K 255 16
                                    

Matagal ba?

Raven's POV

"Sa wakas!" I muttered to myself as I got out of the restroom.

Oi, di ako naglabas ng sama ng loob ha. Jumingle lang ako, kayo naman.

"What took you so long?" Inis na saad niya nang nakalapit na ako.

Hinawakan ko ang tiyan ko at nagkunwari, "May constipation yata ako," he scrunched his noes in disgust; I laughed. "To naman, joke lang!"

Plano namin gumala muna kasi 2:30 palang. Habang naglalakad kanina ay bigla akong naihi kaya ayun. Siyempre may kung ano pa akong ginawa sa loob kaya natagalan ako. Akala ko nga iiwan niya ako eh.

Habang naglalakad ay tumitingin ako sa paligid. It's like any other mall with branded shops, fast food stores and restaurants, department store, supermarket, and some place for entertainment.

Napansin ko ang mga nakahilerang stalls sa gilid. May stall para sa fruit shake kaya bigla akong nauhaw.

I tug his left hand to get his attention. "What?" He said with some touch of annoyance.

"Bili tayo inumin," I whined. Sinadya ko talagang paliitin ang boses ko para mas nakakainis. Alam kong ayaw niyang mainis kaya dapat siyang inisin para pumayag. Do I make sense?

Masamang tingin ang pinukol niya sa akin. I just gave him a big smile, yung tipong kita ang gilagid. He sighed and rolled his eyes before going to the direction of the stall. I just hummed because, obviously, I won again.

Nauna siyang nakarating sa stall pero nakasunod ako at dahil nasa likod niya lang ako ay kitang-kita ko ang nakakatakot na ngiti ni ateng tindera sa walang kamalay-malay na Vince.

"Hi sir, what's your order?" Tss, nilalandi ba nito si Moo? Eh kung magtrabaho kaya siya nang maayos para umunlad ang ekonomiya ng bansa.

Hindi naman siya pinansin kasi busy magbasa ng menu si Vince. Buti nga sa'yo.

Lumapit ako at pinatong ang aking braso sa harap pero hindi niya ako pinansin dahil nakatitig parin siya sa damuho. Tumingin ako sa paligid ng stall at may nakita akong fruit basket. Siyempre ang laman ng basket ay fruits pero may iba akong nakita. "Ate, may carrot shake po kayo?" Tanong ko. Nilakasan ko talaga ang boses ko. In my peripheral vision, I saw Vince frowned.

Sinagot niya naman ang tanong ko nang hindi tinatanggal ang tingin niya kay Moo. "Meron," I looked at this stall's name on her apron which said 'Hazel's fruit shake stand'.

"Ah! Fruit na pala ang carrot ngayon?" I feigned intereset. Sumama naman ang timpla ng mukha ni ateng tindera at binigyan ako ng malupet niyang fake smile.

"Sorry Miss, pero nauna po si Pogi, pumila naman po kayo," that should sound polite but it came out to me as a sarcastic remark. Aba, sa pagkakaalam ko, ako ang customer dito.

Sasagot pa sana ako pero inunahan ako ni Moo. "I'm not going to order," sabi niya. Medyo pahiya doon si ate. "But she will," he added as he nodded to my direction. Edi, pahiya overload si ateng tindera sa sinabi niya.

"Ano po sa inyo ma'am?" Napipilitang tanong niya. Ang daya talaga nito, may pa-hi pa sya kay Moo tapos sa akin ganun lang.

I read their menu and there's a lot of fruits here. Guess what caught my attention. Talagang may carrot shake nga ang fruit shake stand na ito.

"Hmmm, avocado shake, large, dalawa," sagot ko at sinabi niya ang total ng binili ko. I took my wallet but I saw Vince took out his too. Pinigilan ko ang kamay niya at nilapag ang bayad ko. It made thug sound which made the cashier look weirdly at us. Kinuha niya parin ang bayad ko at nagsimula nang gumawa ng fruit shake.

A Hundred Boys and A GirlWhere stories live. Discover now