Chapter 1: The Girl Who is Always Followed by Trouble

27.2K 561 25
  • Αφιερωμένο στον/ην yzeepbata
                                    

"Argh! You freaking lesbian! Get off me!" Singhal ng babae na nasa ilalim ko. That doesn't sound right, but whatever.

"Ano ako tanga? No way! Hindi ko rin palalagpasin ang ginawa mo, plus I'm not a freakin' lesbian!" Singhal ko rin. We heard a defeaning sound, na mukhang galing sa megaphone. I guess I'm in trouble again, or should I say as usual.

~

"She started it!" Sabay naming sabi ni Chelsea. Sa wakas alam ko na rin ang pangalan ng malditang to.

"Anong ako?! Ikaw ang unang sumugod, idiot!" Sigaw niya at tinuro ako na parang walang guidance sa harap namin.

"Ako?! It's-- it's-- it's just-- a matter of-- self-defense!" Pagrarason ko. Ayos ang palusot ko 'no? Pero kahit anong palusot wala din yan.

"Self-defense?" sabay na tanong nila Mr. Guidance at ni Malditang Chelsea. Okay, mukhang dapat ko ngang itanong yun sa sarili ko.

"Well, technically," I said while shrugging. Napabuntong hininga na lang si Mr. G. We caused trouble so ang parusa, detention lang. Five hours nga lang, kasama yung maldita.

Nauna nang lumabas si Chelsea, at malamang private counceling ako nito. "Oh Raven. Ano bang gagawin ko sa 'yo? Two months pa lang ang klase and this is your 27th time in my office. Halos araw-araw nandito ka na. Kung hindi dahil sa pakikipag-away, sa mga pinagtritripan mo naman." tapos nagbuntong hininga nanaman siya. Wow, binilang talaga niya kung ilang beses akong 'bumibisita' sa kanya.

"Ayaw nyo pa yun Mr.G? May kasama kayo paminsan, medyo boring dito eh." Pagbibiro ko habang lumilinga-linga sa paligid. Sinamaan niya ako ng tingin. Sabi ko nga tatahimik na. Then he sighed. Ang hilig nitong magbuntong-hininga.

"Nagkaroon ng meeting ang board of directors ng school about sa behaviour ng mga students dito. At simula freshmen ka pa lang ay ang dami mo ng records, ikaw din ang top student na parating nasa guidance, detention at prefect of discipline office. Kahit ngayong year na kasisimula pa lang, you still got the highest record." Napatango naman ako. Pansin ko lang ang dami ng sinasabi niya ngayon.

Pero kung nagtataka kayo kung bakit hanngang ngayon ay hindi pa ako napapatalsik dito sa school.iit's because of my brothers' influence here, we own one of the biggest auto company in Asia. Pati na rin ang pagiging top athlete ko in track and field at ang mga literary writing competitions na lagi akong nangunguna. Hindi naman sa pagmamayabang kahit naman suki ako ng guidance, magaling din ako sa academics 'no.

"So, ma-e-expell na ako?" Tanong ko, mukha na kasing i-eexpell na ako.

"No, but the board decided that if you're going to make a huge mistake-- only one. We don't have a choice but to kick you out." He said. Hindi naman gumagawa ng major issue, not that they knew. Pero dapat talaga good girl na ako.

Lumabas na ako sa room at nadatnan ang dalawang best friends ko na babae. May mga best friends din ako na lalaki.

"Oh ano na Ray? Patay  na ba ang demonyitang babaeng yun?" Yan ang bungad sa akin ni Patty. Ray tawag ng barkada sa akin. Parang ako din ya, palaban. Kaso hindi niya namana ang pagka-boyish ko. Masyadong girly, tsk.

"Oo nga. If not, resakan na natin." sabi ni Dezz habang hinahaya ang kamao niya. Me and Patty just face-palmed. Paano ba naman hindi yan gaanong magaling mag-tagalog. Lalo na pag salitang kalye. May pagka-palaban din to, pero pilit lang. Masyadong maarte 'to, pero marunong makibagay.

"Dezz, it's 'resbakan' hindi resakan." Patty corrected her. She just scratched the back of her neck and laughed nervously.

"Saan na ang mga asungot?" I asked them. I'm refering to the boys ng barkada.

A Hundred Boys and A GirlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα