Chapter 1 - Day One

1.8K 67 1
                                    

"Sometimes it's the journey
that teaches you a lot
about your destination."
— Drake

"YOU'RE FIRED!!"

"Ha? s-saglet boss, wala naman akong ginagawang mali ah bakit mo'ko tatanggalin?" kinakabahan kong tanong kay panot. Maliit na lalaki si boss, singkit ang mata at nakasalamin pa tapos sobrang puti at ang haba ng nguso. Muka s'yang si Suneo sa doraemon yun nga lang wala s'yang buhok sa taas.

"Anong wala?!! Isang buwan ka palang dito pero mas marami kapang nabasag na plato at maraming rereklamong na costumer dahil sa masyado kang lampa." sigaw ni panot, keliit-liit na tao ang lakas ng boses pota masakit sa tenga.

"Boss, aminado naman ako sa mga nabasag kong plato pero bawal ba akong magkamali?" kalmado kong tanong dito.

"Aba't sumagot pa at nangangatwiran! Sayang pasahod sa'yo, alis!" Amba nito saakin ng palo

"Bago kopa ipatawag sila roman dito at kaladkarin ka sa labas."

Napairap nalang ako sa isip ko. letseng panot to, kung s'ya si suneo si roman naman si damulag tanginang tandem yan.

Bagsak balikat akong tumalikod at naglakad papunta sa likod para kunin ang mga gamit ko at makapagpalit. Gabing gabi pa talaga napakagaling mong panot ka piste ka.

Matapos kong kunin ang lahat ng gamit ko sa locker eh mabilis na umalis ako sa lugar nayon, nagtatrabaho ako sa isang fast food chain na masasabi mong sikat kahit hindi ganoon kalawak ang sakop nila dahil dinadayo ito. Hay buhay parang life.

Mag-isa nalang ako sa buhay, iniwan ako nang pareho kong magulang nung sanggol pa ako,

Naganak-anak sila tapos iiwan kesyo mga bata pa sila che! Puro kasi landi hinayupak sila, buti nalang ay inalagaan ako ng Tita ko kaso pumanaw na rin dahil sa sakit.

Hanggang 2nd year college lang ng business management ang natapos ko dahil sa hirap at kailangan huminto dahil sa sakit ni tita noon, nakakalungkot na dalawang taon nalang sana eh tapos na ako kaso hindi natuloy.

Habang naglalakad papauwi, walking distance lang kasi ang apartment na tinutuluyan ko at ang trabaho ko kaya nilalakad ko nalang kesa mamasahe sayang pera.

Natanaw ko si Lola-tanda hindi ko talaga ito kakilala o ano man, hindi ko rin alam ang tunay na pangalan nito dahil para lang kaming magtropa kung magusap at tuwing gabi ko lang ito nakikita at sa umaga naman eh wala ito dito sa pwesto nya. weird nga eh.

"Psst!" Tawag ni Lola "Ineng, kamusta ang trabaho?" Tanong nito ganito lagi s'ya pag nakikita ako inaalam kung ayos lang ba ako, tinapik-tapik naman n'ya ang gilid na pwesto senyales na pinapaupo ako.

Gan'to kami tuwing uuwi ako maguusap ng kung ano-ano, parang nakahanap ako ng kasama sa buhay dahil kay Lola.

"Ayon La, malas tinanggal ako ni boss panot." Sabi ko habang inaayos ang aking pagupo, sabay tawa ni Lola sa sinabi ko.

Hindi Ito nagsalita at napatingin ako sakanya dahil don, nakatingin pala sa taas na akala mo eh may nakikita syang iba bukod sa dilim. "Ineng, nakikita mo ba yang mga bituin? Ang gaganda no." Pasabi nito at napatingin na rin ako at tumunganga.

"Maganda nga po pero sa tingin ko eh matagal na silang wala." Malungkot kong sabi pero hindi ko pinahalata.

"Ineng, kung bibigyan ka ng pagkakataon na matupad ang isand kagustuhan mo ano ang ihihiling mo?" Napatingin naman ako kay lola na seryos ang muka.

"Siguro La ano, maginhawang buhay yung may magulang ako, kaibigan, maayos na tirahan, nagaaral, tapos may lovelife ayieee." Sabi ko habang binibilang yung sinabi ko at ngumiti kay Lola,

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now