Chapter 17 - Time Of Death?

577 43 0
                                    

"You've done enough.
It's okay to be tired.
You can take a break."
- Shauna Niequist

Ayoko na!!

Dalawang salita pero hindi ko masabi sakanila, kaninang umaga pa kami nagpaparactice. Palipat-lipat kami ng lugar sa high school at sa music room. Lahat kami pagod na pero ayoko magreklamo.

Gabi pa kami magp-perform bukas yun ang desisyon ni Dean, nagulat nga kami bakit gabi gaganapin eh mga bata pa naman ang manonood, ang sabi naman ni Dean eh parang concert daw kasi ang gagawin kaya mas maganda na sa gabi ganapin yung mga performance.

Gusto nga namin mauna pero si Dean eh jusme huli ang pinili, pang main event daw ang gagawin namin pinagyabang pa sa high school faculty, hiyang hiya nga kami kanina do'n. Sinama kasi kami ni Dean para sa final set up at ayon nasubukan narin namin na tumugtog, si Priv ang daya ayaw ipakita ng sasayawin n'ya.

Si Vero eh tumugtog lang, bukas nalang daw s'ya kakanta mga pabitin ampota edi syempre gano'n din ang ginawa namin pati si Hera.

"Saglet, pahinga naman tayo." Pasalampak na umupo si Tosh sa isang bench na nadaanan namin. Puro nga s'ya tawa kanina parang gago tapos nagpapacute sa mga students na nagaayos do'n.

"Mas nakakapagod maglakad kesa tumayo sa stage." Sabi ko.

Tumabi akokay Tosh na pawis na pawis, nakakailang balik na kasi kami do'n sa court na gagamitin bukas, ang sabi nga namin bakit hindi nalang kami magstay do'n, bawal daw kasi hindi pa tapos magdesign shete nayan kaya ang ganap namin eh babalik pa kami sa music room.

"Parang walang silbi yung kinain kong lunch, gutom nanaman ako." Reklamo ng katabi ko, sila Zach nakatitig lang dito at hindi na pinansin. Pero totoo sa layo ng nilalakad namin eh sino bang hindi mapapagod daig pa namin yung mga athletes eh.

Tumayo ako at naginat-inat, hindi pa kami nagpeperform eh humimlay na kami sa nangyayari.

"Tara sa cafeteria, nauuhaw ako."

Nauna na ako maglakad at tumingin sa may likod ko, nakita kong sumunod na yung dalawa pero si Tosh eh nakaupo parin, bahala s'ya jan mainitan. Sasakit ang ulo ko pag hindi ako uminom ng tubig, hindi pa nakikisabay ang panahon dahil napaka-init.

Si Vero ngayon hindi namin kasama, nauuna s'ya umalis at hindi manlang nanghihintay, si Priv kanina pa namin hindi kasama yon at busy sa sayaw n'ya na pinagkatago-tago n'ya saamin ang damot. Akala mo talaga hindi nagreklamo kahapon.

Speaking of Vero, hindi kopa s'ya natatanong kung may nalaman ba s'ya dahil binabasa nanaman n'ya yung libro, nakakacurious naman pero siguro pag tapos na kami mag perform tsaka ko s'ya kakausapin.

"Apat na bottled mineral water po."

Pagabot saakin ay kinuha ko agad at nagbayad, water lang talaga bahala na sila sa pagkain no gipit ako ngayon dejoke nanghihinayang ako gumastos eh.

Umupo ako at binigay sakanilang tatlo ang binili kong tubig, pinagtitinginan kaming apat ngayon, cafeteria kasi 'to ng junior high kaya gan'yan nalang sila makatingin, at tsaka syempre hindi naman sa pagyayabang eh maganda't gwapo ang nakikita nila kaya sila gan'yan, well kami lang ito.

"Ate Sid!" Rinig kong sigaw mula sa may likuran ko kaya nilingon ko ito, nakita ko si Sai na ngiting-ngiti habang tumatakbo papunta saamin. Maraming napatingin sakanya dahil sa lakas ng sigaw n'ya, jusme kang bata ka.

Dumating ito sa tapat namin na hingal na hingal, takbo pa toll "Hello Kuya Tosh and Kuya Zach and..." Tingin nito kay Hera hindi n'ya nga pala kilala ito.

"Shera but call me Ate Hera." Simpleng sagot nito.

"Oh hi Ate Hera." Ngiti ni Sai at tumabi saakin ay wow kapal.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now