Chapter 13 - Kiss

715 50 0
                                    

"Trust starts with truth
and ends with truth
- Santosh kalwar

"Mmm"

"God, ang saraaaap"

Blag

"Aray potek." Ang sarap sarap ng tulog ko tapos may manunulak saakin tapos mahuhulog ako sa sahig putangina, bumangon ako at mumurahin sana kung sino ang nanghulog saakin ng makita ko ang nakatayong si miss cleo na masama ang tingin saakin.

"M-miss?" Tangina bakit nandito sa bahay si miss, napalibot ang mata ko sa buong kwarto at napagtanto na hindi koto kwarto puta asan ako.

Napansin ko rin na iba ang suot ko, putangina naka panjama at naka oversize shirt ako ngayon, naginit ang muka ko, feel ko rin na namumula na ako dahil sa isipan na nakita ni miss ang buong katawan ko shutangina

"Get up Stanford, take a bath and go to the kitchen." Utos ni Miss at iniwan ako, putangina nakakahiya hindi naman ungol yon eh sadyang ganon lang ako pag malambot ang higaan, pero nakakahiya talaga peste.

Puting-puti yung kwarto grabe feel ko kukunin na ako ng langit tapos nakisabay pa yung sinag ng araw sa bintana nyemas.

Naligo nalang ako at kung ano anong naiisip ko, kompleto yung nakahanda sa loob ng bathroom may damit na tapos lahat bago simula sa undies hanggang sa toothbrush at bathrobe, ang alaga naman ni miss. Napangiti ako sa isip ko.

Isang hoodie na gray at sweatpants na white ang suot ko ngayon na hinanda ni miss saakin, yieee ang gwapo ko na tapos ang ganda kopa sabi ko sa sarili ko ng tumapat ako sa salamin.

Lumabas ako ng kwarto at naamoy ko agad ang niluluto ni Miss, pancake. Naglakad na ako at nakita ko agad ang kusina, pati sa labas white lahat simula sa couch, sa design nya sa mga cabinet tapos ang linis ng condo n'ya ah.

"Goodmorning Miss." Bati ko dito at umupo sa lamesa na nasa kitchen lang din, ang cute ni Ma'am naka apron pa ito na syempre white din pero may design ang cute nyaw na ang hot sa ganto mommy vibes, nakamessy bun ang buhok nya wow talaga wow.

"Milk or coffee?" Tanong nito saakin habang nakatalikod at patuloy sa ginagawa n'ya.

"Coffee po." Sagot ko dito na nakatingin parin sakanya, kung ganto ang tititigan nyo hindi kayo mananawa. Ang ganda eh.

Humarap na ito at nilapag ang dalawang plate, yung plate nyaw eh isang pancake lang samantalang saakin ay tatlo grabe naman pero ayos lang kung si Miss naman ang nagluto kakainin ko lahat to.

"Nga pala miss, nasan po ang gamit ko?" Kailangan ko tawagan sila mom at sabihin na ayos lang ako, jusme patay ako nito eh bat ka kasi natulog agad self kahiya.

Tumayo si Miss at umalis, siguro kinuha yung gamit ko. patuloy parin ako sa pagkain, strawberry yung syrup na nakalagay ganto rin yung pinakain saakin ni miss nung nasa office n'ya ako eh kaso nga lang walang fresh na strawberry ngayon pero ayos lang masarap parin kasi gawa nya.

"Here".

Nakabalik na pala sya, binigay nya saakin ang shoulder bag na dala dala ko kagabi at tinawagan ko agad si Mom.

"Mom?" Panimula ko.

"Sid? Goodmorning baby" Eh? Bakit parang hindi manlang sila nagaalala na ngayon lang ako paramdam at tumawag.

"I'm sorry mom hindi ako nakauwi kagabi." Patuloy ko sa pagsasalita.

"It's okay baby, kasama mo naman ang prof mo so panatag ako na ayos kalang."

Ha? Napatingin ako kay Miss na nakatingin na pala saakin at tinaasan lang ako ng kilay, don't tell me tinawagan nya o tinext si Mom kagabi.

"Osya baby, ingat mamaya sa pag uwi mo okay, see ya later." Pagmamadali ni Mama sa pagsasalita at pinatay ang tawag, nyemas

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now