Chapter 6 - Overnight

723 50 12
                                    

"Music is the strongest magic"
- Marilyn Manson

"Sing."

Ha ha puta bakit may paganito, sabi ni Zach ay wala nang gantong gagawin dahil pasado na ako dahil pinasa na nya ang dapat ipasa at need ko lang magpakita sa assign teacher ng club pero hindi nya sinabi na si Miss Cleo pala ang assign teacher?!

Putangina talaga.

Kahapon hindi natuloy ang pagpunta namin sa club dahil sa wala si Vero, sabi nito ay busy talaga sya ngayong week kaya ipagpabukas nalang ang pag sama saakin ganon din si Tosh na pinatawag ng coach nya para mag practice dahil isa itong volleyball player, si Priva naman ay ganon din pinatawag para magpractice ng sayaw dahil isa itong cheerleader, sumangayon silang dalawa sa gusto ni Vero at sa huli kaming dalawa lang ni Zach ang natira at mukang kailangan din nyang umalis dahil may nagtext dito na need sya sa club kaya no choice ay pumayag nalang din kaming dalawa.

At ngayon, hindi ko alam nanaman kung bakit ganyan makatitig saakin si Miss Cleo na akala mo gusto akong lapain, oh yes eat me mommy ay che! putangina puro ka kalokohan.

Kanina palang pagpasok namin lima sa loob ng auditorium masama na ang tingin nito saakin, hindi ko alam kung may galit ba sya kay zach o saakin dahil kahit ito ay sinusungitan nya punyemas buti nalang ang ganda ganda nito kaya ayos lang kung ganyan sya makatingin. Unfair talaga.

"Pero Miss, na-approve na po s'ya ni Sir Apen kahapon." Sabi ulit ni Zach, pangatlong ulit na to ni Zach kay Miss Cleo pero parang wala itong pake at hindi manlang tinignan, anakng tupa titig na titig ito saakin, ikaw ah miss may tinatago ka ring pagnanasa saakin sabi ko sa utak ko.

"Sir Apen is no longer around, and I am the new assign teacher for this club, therefore I have the permission to question some recruits here." Deretso nitong sabi kay Zach, at ako ay nakatulala lang dito ang sexy n'ya Lord juskopo bakit s'ya gan'to. nakita ko naman tinignan ako ni zach ng alangin dahil hindi kami makalusot kahit anong sabi na ni Zach.

No choice, kung walang extra credits tong pagsali sa club eh hindi talaga ako sasali dagdag trabaho lang ito eh kainis.

"May gitara ba kayo dito?" Seryoso kong tanong, ha ano ka ngayon miss bakit ko naman ipapahalata na kinakabahan ako anong magagawa ng tingin mo pag na inlove ka saakin.

"Here oh." Abot saakin ng isang babaeng nakasalamin, katamtaman ang height at cute na muka, sa pagkakarinig ko tinawag ni Zach to na Anna.

"Thanks." Pasalamat ko sakanya at kinapa kapa ang gitara, hooo this is it bahala na sana makisabay ang boses ni sid saakin amen lord.

Pagstrum ko sa gitara at nagsimula na sa intro ng kanta.

Baby, I'm fallin', losin' my focus

Bigkas ko sa unang linya, oh shit kalma kalma.

How come you're actin' like you haven't noticed?
I'm going crazy, stuck with your maybe
Left me in nowhere, my beautiful nightmare

Patuloy ko at umangat ang tingin ko sa propesorang nasa gitna ng kwarto na ito, tutok na tutok ito saakin na akala mo ako lang ang nakikita at walang kasama, ngumiti ako sakanya at nagpatuloy.

Oh, my love
When I look into your eyes
Girl, it gets me everytime
And I thought that you should know
(Oh-oh-oh)

"KAIBIGAN KO YAAAAAN!" Sigaw ni Tosh, punyemas gusto ko matawa sa lakas ng boses nya pati si Priv ay sumisigaw habang si Vero at Zach ay nakangiti na sinasabing goodjob.

That I got you on my mind, on my mind, on my mind
I want you all the time, all the time, every night
Tell me you feel it too
You don't have to play it cool
'Cause I got you on my mind, on my mind, on my mind

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now