Chapter 25 - Memories

575 39 4
                                    

"Life is full of bullshit;
reject or deal with it,
but move on.
-

 Sue Fitzmaurice


Another day, another stress.

Since Saturday ngayon pwede akong bumisita kay Sai, saktong-sakto at wala naman akong gagawin ngayon. H'wag lang mangiistorbo ni kupal.

Ting!

Group chat

Pribag:
Guys, what ya doin'?

Toto:
Nagbabanat ng buto para
sa ikauunlad ng mundo.

Panes, naka ryhme yan.

Hanga ka nanaman Priva.

Pribag:
Tanga hindi ka kasali sa
tinatanong ko, wala akong
pake sa'yo.

Oh naka-ryhme din yan.

Walangya ampota kahit saan talaga walang pinapalagpas eh.

Vero:
Busy.

Toto:
Cold naman itech.

Zach igop:
Busy(2) but let's hangout
this Wednesday afternoon,
my treat.

Pribag:
Ay confident yarn? Pero sure.

Sidrong:
Bibisita ako kay Sai, kaya
bawal istorbo.

Toto:
Luh, muka ba akong
istorbo?

Pribag:
Natamaan ka naman.

Muka mo palang kasi
magulo na eh. Baka matakot
si Sai.

Hindi matatapos ang araw na hindi sila nagaasaran napakasweet talaga eh. Kailan kaya ako masasanay.

Matapos ko magpaalam sakanila ay nagayos na ako para makaalis, sinabi ko rin kay Dad na pupunta ako agad naman itong pumayag. Sakto raw at walang nagbabantay kay Sai ngayon kaya pwede ako pumunta.

Nagayos muna ako nang kwarto bago gumayak, ng aayusin kona ang study table ko ay biglang may nakita ako sa ilalim nito na kumislap na agad ko naman tinignan at kinuha.

Singsing?

May nakalagay na infinite sign at kulay gold ito, hindi gaano kagarbo yung singsing na to dahil wala manlang kadesign-design.

Sinuot ko ito at tinignan kung bagay ba sa kamay ko at saktong-sakto pa sa daliri ko.

Nang matapos ako magayos at gumayak ay bumaba na ako at pumunta nang kitchen nagsabi kasi ako kanina na magbabaon ako nang foods at doon nalang ako kakain sa room ni Sai.

Matapos kong bumyahe ay nakarating din ako sa hospital, lahat ng nurse na nakikita ko nginitian ko bilang pagbati. Nakagawian kona yata dahil sa ganito rin ako nung nagkasakit ang Tita noon.

Soulbound SecretsМесто, где живут истории. Откройте их для себя