Chapter 16 - Bullshit

558 39 2
                                    

"Even the nicest people
have their limits"
-

"Anong nangyari sa'yo bakit ang lata-lata mo mare?"

Nandito na ako ngayon sa music room, pagkaalis ko sa room ni Miss eh dumedetso agad ako dito dahil may hinahabol kaming oras, kami nila Hera, Zach, Tosh ang natira at magkakasama dahil si Priv eh pumunta kay Dean para sabihin ang plano n'ya, at si Vero ayon nagsosolo kakapain n'ya raw muna yung sarili niya kung sanay pa s'ya.

Si Hera At Zach, sila ang nagpaplano habang kami ni Tosh eto tamang usap lang sa gedli tapos oo lang kami ng oo sa gusto nung dalawa.

"Wala lang, pagod lang ako at gusto ko lang matulog, parang naubos ang energy ko." Dumukdok ako sa lamesa pagtapos ko magsalita, pero totoo naubos talaga ang lakas ko sa usapan namin ni Miss, kung usap ba talaga ang matatawag do'n.

"Ginawa niyo na?" Hindi ko pinansin ang sinabi nito, dahil puro kalokohan lang naman ang lumalabas sa isip n'ya, tamo ngayon kung ano-ano sinasabi.

"Pero feel ko gusto ka rin ni Ma'am Clarion." Napaangat ang ulo ko at umayos ng upo sabay tumingin dito ng deretso.

"Pa'no mo nasabi aber?"

"Hindi ba halata... do'n palang sa dinala ka n'ya sa clinic, tapos yang pahatak-hatak n'ya sa'yo, muka bang natural yang ginagawa niyo as Professor Student Relationship?" Tanong nito saakin.

"Nakita mona bang hinatak ni Miss Aki si Vero pag nagkikita sila? Sila Zach at Miss Syn? H'wag na natin pagusapan ang relasyon ni Priv."

Napaisip naman ako sa mga sinabi n'ya, alam ko namang may something saamin ni Miss pero hindi ko rin alam kung anong matatawag sa kung anong mero'n saamin.

"Ang point mo?" Tanong ko dito.

"Ang point ko my dear Sidra, what if umamin ka? Malay mo same page kayo." Umamin na ako tanga gusto ko sabihin yan sakanya pero h'wag muna wala pa akong balak magkwento, at kung magsasabi man ako eh baka kay Vero yon.

"Hoy kayong dalawa jan, tapos na kami mag plano tara na dito." Sigaw ni Zach saamin, ay edi wow tapos na.

Tumayo na kami ni Tosh at pumunta sa table nila Zach, ayos narin na tinawag kami dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Toto, umupo kami sa bakanteng upuan para mas komportable ang pakikinig. Satingin ko pa naman eh mahaba-habang paliwanagan 'to.

"So gan'to, natandaan niyo naman sinabi ni Vero kung ano ang gagawin n'yo?" Tanong ni Zach saamin at tumango kaming sabay ni Tosh, ang akin eh guitar at dito sa katabi ko eh s'ya ang drummer.

"HELLO BITCHES!"

Tangina, anlakas talaga ng tama nitong ni Priv. para s'yang nanalo sa lotto sa ngiti n'ya ngayon, mukang pinayagan yung plano n'ya. Pero bakit kailangan sumigaw, nage-echo pa naman letse.

"Sorry." Nagpeace sign s'ya at tumabi ng upo saakin "Vero! Pagusapan na natin kung anong flow ng gagawin natin." Excited yarn? Parang kaninang umaga reklamo s'ya ng reklamo.

"Ako na una ah, kasi maganda ako."

Pagkaupong-pagkaupo ni Vero, yan agad ang sinabi ni Priv. Sariling angat talaga s'ya ng bangko "Okay." Sabi naman ni Zach, oh 'diba kahit hindi naman n'ya sabihin yon feel ko s'ya talaga ang iuuna nila dahil sasayaw s'ya at para mas maraming manabik. Kilala s'yang dancer sa buong Clarion eh.

"Ako na next kay Priv, since maiksi lang kakantahin ko." Sabi ni Vero at nakita kong kinuha n'ya ang libro na sa pagkakantanda ko eh yun yung  Fairytale Lovestory, bakit kaya? Anong mero'n Vero.

"Kami na huli ah. Gan'to kakanta muna si Hera habang tumutugtog tayo, solo n'ya kanya ang spotlight. then next song tayong tatlo ang maghahati, kasi bababa na ng stage si Hera at tayo lang ang matitira" paliwanag ni Zach.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now