Chapter 35 - New Information

532 48 2
                                    

"Sidra!!!"

-.-

"I miss you so much mare!!"

-.-

"Tangina mo naman Sid, hindi manlang makisabay at matuwa kunwari na nakita mo'ko ngayon."

"Magkasama lang tayo kahapon kaya tigilan mo 'ko."

"Malay mo last ko na ngayon tapo---"

Iniwan ko si Tosh na nagsasalita at dumeretso kela Vero na nasa likod lang nito para batiin. Unang araw ngayon ng third year namin, ang bilis lumipas ng mga araw at pasukan nanaman.

Isang taon na akong naninirahan dito bilang si Sidra Stanford sa kwentong binabasa ko kung saan s'ya ang isa sa villain na nagpahirap sa lovestory ng mga bida, at dahil sa mga kagagawan n'ya ay naging pangit ang landas ng buhay n'ya.

Parang kahapon lang nagtatrabaho pa ako tapos ngayon nandito ako nmat nabubuhay ako na dating pinapangarap ko lang.

Isa sa pinagpapasalamat ko ay hindi malala ang natamo ni Tosh at nagising din yung kupal na yon makalipas ang ilang tatlong araw kaya nakaabot sa moving up, wews.

"Ayos kalang?"

"I'm good. Nga pala Vero nakasalubong ko si Miss Akiko sa parking lot, hinahanap ka."

Nakita ko kung pa'no nanlaki ang mata ni Vero at dali-dali kinuha ang phone sa may bulsa n'ya at natatarantang kinalikot ito.

Dalaga na ang isang Veronica Tuazon.

Napailing nalang ako sa naisip ko at iniwan ito at sumabay sa lakad ni Zach at Priv na busy sa pagp-phone.

"Goodmorning Sid."

"Morning Zachy."

"Sid mare ko, kumusta ka? tagal kitang hindi nakita. Namiss kita nang sobra. Pakiss nga."

Oa, pareho sila ni Tosh.

"Namiss din kita sobra. Pero parang hindi ka nagwala kahapon sa bahay dahil hindi ka sinasagot ni Miss Kira."

"Che!"

Natawa kami pareho ni Zach dahil sa padabog itong naglakad at nauna na pumasok sa gym. Habang hinihintay naman namin si Tosh at Vero para sabay kaming pumasok sa loob.

Dahil first day ngayon eh may assembly na gaganapin para saaming college students, orientation kumbaga.

"Yow yow yow! wassup Sidra, wassup Zach."

Nandito na ang pangalawang kupal.

"Wassup Colton." Bati ni Zach at nakipag-fistbump dito, at tinanguan ko lang ito.

Ilang minuto lang ay dumating din kaagad sila Vero kasama si Hera at tsaka kami pumasok, naabutan namin si Priv na nagreserve ng upuan sa may bleachers kasama ang mga kasamahan n'ya sa cheerdance.

"Levy si Colton oh, ang gwapo."

"Ano ka ba hindi yan, si Toshi kaya ang cute-cute oh."

"Mali-mali si Sidra talaga ang gusto ni Levy."

Ilan lang yan sa narinig namin ng papalapit na kami sa uupuan namin. Dahil sa pinagigitnaan ako nung dalawang kupal at pareho ako nitong dinugol.

Tangina naman.

Nakakalimutan yata nilang lalaki sila at babae ako, mga peste ang sakit sa braso.

Bago ako nakaupo ay nakita ko si Levy na sobrang pula ang muka habang inaasar ni Priv at ng iba pa n'yang katabi.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now