Chapter 7 - First Issue

601 55 1
                                    

"The naked truth is
always better than the
best-dressed lie."
- Ann Landers

"PRIVA CALVIAR!"
"TOSHI MASUDA!"
"SIDRA STANFORD!"

Sigaw ni Vero saamin, andito kasi kaming tatlo sa isang classroom na hindi ginagamit dahil walang klase kanina pa kami ginising ni Vero pero ayaw namin tumayo dahil sa antok na antok talaga kami sabay mopa ang sakit ng ulo ko ewan ko sa dalawa kung masakit din sakanila punyeta na alak yon hindi umubra yung pagiging sanay ko sa pag inom tinamaan talaga ako kagabi.

Sana pala hindi na lang ako pumasok tutal hindi naman ako pinapapasok ni mom dahil sa nangyari sa wrist ko, sayang hindi ko naman alam na tatamaan ako ng ganto kasakit na ulo, pota kinain ko lang mga sinabi ko kagabi.

"The three of you stand up! o ikakalat ko yung vid nyo kagabi na sumasayaw ng budots" Sigaw ni Vero, dali dali akong tumayo dahil sa narinig pota nakakahiya yon, shuta oo sumayaw kami ng budots dahil sa kalokohan ni toshi tangina naman eh. Pansin ko yung dalawa eh tumayo na rin kahit na lambot na lambot sila.

"Ang kukulit nyo kasi kagabi ayaw tumigil, baka magtampo si Zach kung mahuhuli tayo" Sermon n'ya saamin, pagdating kasi namin dito kaninang umaga eh biglang tinawag si Zach at isasali raw sa math quiz kaya habang hinihintay yung time na yon tinakasan namin si Vero at natulog kaso palpak nahanap parin kami. Lumabas na kami at naglakad.

"Did you know stacy what happened last night?"

"Yeah, nakakahiya yung nangyari sa gymnasium"

"True girls, i feel bad about Miss Claire dahil nangyari sakanya yon"

Rinig naming apat at napatingin dito, oo nga pala wala pa kaming balita kung anong nangyari kagabi sa play dahil inuna namin ang tulog kesa makichimis.

"You! come here, what are you talking about? What happened last night?" Turo ni Vero sa isang babae na nagsasalita kanina, ampota nakakatakot aura ni Vero ngayon legit guys, nastress yata saaming tatlo.

"A-ano po M-miss Veronica, nagkagulo po kasi sa play kagabi dahil nung scene na po ni Miss Claire eh bigla pong nasira yung dress n'ya into half." Nanginginig pa nitong sabi, kilala si Vero dito hindi lang dahil sa student council sya kundi dahil ang pamilyang Tuazon ay walang sinasanto pag dating sa business.

"O-opo Miss, kompleto po kasi ang faculty kagabi kasama na ang owner at principal kaya po malaking issue po yon." Nakakagulat ang nangyari sa totoo lang, kasi alam ko si Sid lang ang may galit kay Claire sa stort pero dahil hindi ko naman sila pinapansin eh hindi ako ang may gawa nyan.

"Pina-iimbistigahan nga po ni Jake ang nangyari kasi raw po may foul play daw na nangyari dahil hindi malfunction sa dress ang sanhi kundi sinadya raw po na sirain" Dagdag pa nung isa, kaming tatlo na inaantok ay nabuhayan dahil sa mga sinasabi nila pota isang gabi lang kaming hindi nakisali eh andami nang nangyari shuta.

Weird, kung hindi si Sid may gawa nito ibig sabihin may iba pang may galit kay Claire? Expected ko kasi na walang gulo na mangyayari dahil hindi naman si Sid to, kundi ako kaya pano. Tsaka kahit alam kona may mangyayari sa play ay nakakagulat parin dahil una sa lahat HINDI SI SID ANG MAY KASALANAN.

Andito na kami sa auditorium masyado kaming natahimik na apat dahil sa balita na narinig namin at hindi namalayan na andito na kami.

"Weird, Claire Sanchez is the most nicest girl sa Clarion University at isa pa alam lahat ng tao dito na no one can touch her dahil kay Jake." Nagtataka na sabi ni Priv, may point sya.

"Yeah, also bakit si Claire?" Seryosong sabi ni Tosh, nakakagulat dahil ngayon lang to naging ganto.

"H'wag kayo tumingin sa'kin ng gan'yan, kasama niyo ako kagabi."

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now