Chapter 9 - Change

627 50 1
                                    

"You glow differently
you're actually happy"
-

Gusto ko lang naman matulog pero bakit nandito kami ngayon sa coffee shop, hay buhay ewan ko anong pumasok sa isip nila bakit kami pumunta dito na kung tutuusin eh wala naman sa usapan ito.

Linggong linggo eh nanghahatak tong mga to wala mga magawa sa buhay at dinadamay ako, oo linggo na tapos na ang acquaintance week. To make it short ikukwento ko ang nangyari noong friday at saturday.

Friday

Ang balak kong hindi pagpasok ay hindi natuloy dahil binantaan ako/kami ni Vero sa gc na pag hindi kami pumasok asahan daw namin yung vid namin na sumasayaw ng budots eh nakapost na sa page ng clarion peste. Pero kahit ganon hindi kami nagkasama samang lima isang himala yon, hindi ko alam kung nasan sila dahil ako nasa Musiarts Club ako, at ginawang utusan ni Miss Cleo.

Ayos lang naman kasi dalawa lang kami sa club room, sabay kami kumain pero syempre hindi lang puro sarap, sa sinabi kong utusan eh literal na utusan kung saan saan nya ako pinapunta peste buti nalang talaga maganda sya. Ayan lang ang nangyari nung friday may kanya-kanya yatang ginawa sila Tosh at ni panggugulo eh hindi nila nagawa.

Saturday

Awarding day and Ball. Naghintayan kami sa parking lot lahat dahil may award na makukuha si Tosh at Zach dahil pareho silang nanalo sa laban nila, antagal namin sa gymnasium dahil sa mas marami pang announcement kesa mag awarding, pasalamat sila naka aircon ang gym kung hindi, iiwan namin nila Priv sila Tosh at bahala sila jan.

Kung inaasahan niyo na aattend kami sa ball ay nagkakamali kayo dahil kahit si Priv mismo ang umayaw sa bagay nayon na ikinagulat naming apat, sabi pa nito ay hassle raw babawi nalang sya sa susunod mas gusto nya mamahinga, syempre sumangayon yung tatalo dahil tinatamad din daw sila at ako rin dahil una hindi ako sanay sa ganon, pangalawa nalaman ko na hindi aattend si Miss kaya ayoko na rin.

The end

And boom sunday na agad, alas diyes palang ng umaga eh nasa bahay na silang apat nanggugulo para sunduin ako, juskopo wala silang kapaguran bago kami nag coffee shop eh nag mall muna kami na wala naman kaming ginawa kundi maghabulan dahil puro kalokohan ang nasa isip ni Tosh at nadadamay kami, una na don ay magpaiyak ng bata shemay.

At hindi lang yon, may nasirang claw machine si Tosh at Zach sa arcade dahil sa inis nilang dalawa punyemas talaga buti walang nakakita kaya umalis agad kami.

"Look outside, is that Jake?" Napatingin kami sa sinabi ni priv, nakita ko do'n na kakababa lang nito ng kotse at sabay baba ni Claire at ang hindi ko inaasahan ay kasama nila si Miss Cleo, ha?

"Ako lang ba nagiisip dito, kung sila na ba ni Claire o nanliligaw palang s'ya." Pagtataka ni Tosh, sa pagkakaalala ko sa story magkaroon ng 1 week tour ang college department ngayong year at masasakto sa isang beach ang pag poprose ni Jake kay Claire at mismong sa harap ni Sid nila yon ginawa na ikasaktan ni Sid sa story.

Sabi ko nga 2nd year college ang pinakamaraming mangyayari sa story na to, isa pa kahit ba hindi kona gawin yung mga bagay na dapat ikagugulo ng kwento na ginawa ni Sid, eh mangyayari parin ba?

"Satingin ko sila na." Sabi ni Zach sabay inom ng kape.

"Nah, i think nasa ligawan stage palang." Walang pake na sabi ni Vero eto kahit saan nagbabasa, sana all masipag

"I agree with Vero, duh magdalawang isip naman si Claire kung sasagutin n'ya si Jake eh wala namang ambag yan." Harsh na sabi ni Priv, nakakatawa na ibang-iba s'ya ngayon kesa sa story dahil sa plot masyado syang supportive at gustong gusto nito si Jake para kay Sid.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now