Chapter 18 - Performance

577 45 3
                                    

"No matter what
lifes throws at you
keeps smiling!"
-

"I'm so excited na mga mare." Halata nga Priv kanina pa s'ya paikot-ikot, nahihilo na ako dahil sa ginagawa n'ya.

"Umupo ka nga, mamaya kapa sasayaw no. Ang panget mona tuloy."

Eto nanaman po sila, walang kasawaan na bangayan silang dalawa ang salita ng salita simula ng makapunfa kami dito.

Nandito na kami sa backstage, nagsisimula na ang mga performance ng mga high school students sa harap, maririnig mo ang sigawan at tilian na halatang enjoy na enjoy sila sa mga pinapanood nila

Wala akong sa mood simula nang dumating kami dito, ang panget eh ang panget ng nakita ko nakakainis sino yung hinayupak na kasama ni Miss tapos nakahawak pa s'ya sa braso nito eh muka namang unggoy yung lalaki.

"Kalmahan mo lang." Bulong saakin ni Vero, nakasimangot kasi ako simula nung nagayos kami dito sa likod, samantalang kaninang umaga ang ganda-ganda ng gising ko dahil naalala kopa yung muka ni Miss tapos ngayon may kasa-kasama s'yang unggoy na dapat nasa Zoo.

Pa'no kasi nung pagpunta namin sa harap eh nakasalubong namin yung limang Prof ang kaso eh si Miss may kasama tapos hindi manlang ako tinignan kaya sino hindi mababadtrip, hays, takte bakit puro kasi s'ya iniisip ko eh bahala s'ya jan hindi ko rin siya papansin sa mga susunod na araw.

"Tara sa gilid ng stage para mapanood natin yung iba." Yaya ni Hera, nagsitanguan naman kami at sumunod na sakanya.

Ang daming tao, hindi lang kasi High school ang nandito may mga parents at outsider din kaya punong puno yung lugar literal na concert ang kinalabas, ang sakit sa tenga juskopo.

"Ang cool, sa high school palang 'to pa'no pa kaya pag naganap na ang battle of the bands sa college siguro sa oval yon gaganapin no?" Sabi saamin ni Zach, ang ganda ng set up nang lugar damay mopa na ang daming ilaw na ginamit halatang pinaggastusan at pinaghandaan itong acquaintance party ng high school.

"For sure, hindi papayag si Miss Clarion na hindi bongga ang mga activities ng college dahil do'n na s'ya naka assign." Tangong sagi ni Hera.

Napasimangot nanaman ako dahil sa narinig na pangalan at tinawanan ako ni Vero na katabi ko lang, letse nayan.

"Hello guys."

Napatingin kami sa gilid namin at nakita ang limang professors na nakatingin saamin, si Miss Kae ang nagsalita then si Miss Syn and Aki as usual naka ngiti and yung dalawa seryoso luh asan na yung unggoy pero buti naman hindi na nila kasama kasi baka bigyan ko s'ya ng saging pag nagkataon.

Binati nila Tosh yung mga Prof at ako eh wala lang focus lang ako sa nasa stage syempre 'diba nga feeling cold tayo ngayon kaya pangangatawanan ko muna.

"Miss Priva! Standby kana po!"

Ay si Priv na agad next, kita mo sa muka n'ya ang pagka-excite at dali daling pumunta ulit sa likod. Ang katabi kong si Vero eh umalis na sa tabi ko at pumunta na rin sa likod hays.

Pumatay ang lahat ng ilaw at tumahimik ang mga tao, nakita ko mula dito saamin na inaayos na ang stage para sa performance ni Priv, pinaghandaan ah curious parin ako kung anong sinabi n'ya kay Dean and bakit s'ya excite na excite.

"Sasayaw s'ya cutie?" Rinig kong sabi ni Miss Kae pero hindi ko ito nilingon at tumango lang, eh pa'no ako lilingon katabi ko si Miss Cleo jusme.

Lumabas na ang mga usok at sabay bukas ng kurtina na kaninang nakaharang sa may stage, wow? Akala ko isang tao lang s'ya mag p-perform pero may backup dancer s'ya na kasama?!

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now