Chapter 23 - Headache

586 46 0
                                    

"Be good only if being
bad ain't more fun"
- Jaeneine Frost


Gusto ko na umuwi.

"Sinasabi ko na sa'yo Sid, tapusin mo yang pinagagawa ko bago matapos ang isang linggo kung hindi malilintikan ka talaga saakin." Pangatlong beses na tong sinasabi ni Sir Panot saakin, walang tiwala eh. Ano ako kinder? Che.

"Yesss Siiiiir..." Tamad kong sabi dito na ikinasama naman ng muka nito.

"Umayos ka jan." Pagbabanta nito saakin tsaka umalis, natawa nalang ako sa itsura nito dahil sa tuwing kakausapin kami kasama sila Tosh eh inis na inis ito.

May tinatago atang galit tong si Sir saamin.

Sabagay, nasermonan yata ni Dean dahil sa walang umattend sa department namin para sa battle of the bands, kami lang walang representative non dahil sa aksidente.

Pero hanep eh, iisa lang ako pero ang gustong ipagawa ay linisin itong mini-library at kailangan maiayos yung mga libro sa shelves.

Hindi ba n'ya nakikita kung gaano ka-alikabok dito at kadumi? Tapos gusto n'ya pa ay tuwing uwian lang ako pumunta dito para raw makapag-focus ako sa mga sub ko.

Sobrang thankful ako sa pagaalala ni Sir, insert sarcasm.

Pero ayos na pala to kesa sa parusa do'n sa apat na araw-araw linisin yung mga cr sa building namin kada-uwian. Hindi pa naman biro ang comfort room dito, bukod sa malalaki o malalawak ang mga ito isabay mopa ang naglalakihang salamin sa loob nito. Goodluck nalang sakanila.

Akala ko ligtas na ako sa parusa pero hindi eh, kakapasok ko lang kanina dahil nung monday at tuesday ay pinili ko mag-stay sa hospital para hintayin magising si Sai kaso wala paring pinagbago at natutulog parin ito.

Makalipas ang ilang oras na pagwawalis at paggigilid ng mga kalat ay nakikita kona na kahit papaano ay may nalilinis na ako, napalingon ako sa pinaglalagyan ko nang gamit ng marinig ko na tumutunog ang phone ko.

Toshi's calling...

Okay, wala akong nakita. Mang-aasar naman to o kaya dadaldalin lang ako kaya bahala s'ya jan. Wala pa namang matinong sinasabi yan.

Kung mahilig lang akong magbasa siguro ma-eenjoy ko tong ginagawa ko, kaso hindi eh, anakng tupa nayan. Ghad isang libro nga lang binasa ko no'n at ngayon ay nandito na ako sa loob nito. Ka-galing.

Zach's calling...

Kahit na nagtataka ako y sinagot ko agad ang tawag.

"Sid!" Nakng tupa, sinong gago ang sisigaw ng gano'ng kalakas sa tawag? Si Toshi. Peste mabibingi pa yata ako.

"Ano?!"

"Bakit ka sumisigaw?! Umuwi na tayo!" Walangya talaga.

"Ayoko pa, wala pa akong naaayos dito. Mauna na kayo."

"HAHAHA ta---" Narinig kong naputol sa pagsasalita si kupal kaya napatingin ako sa phone ko kung na-end na ba ang call pero hindi naman.

"Magkita nalang tayo sa parking lot, Sid." Si Zach na ang nagsasalita, mabuti naman kasakit sa tenga kausap yung isa. "Patapos narin naman kami sa parusa kaya matutulungan ka namin jan ni Tosh sa mga susunod na araw."

Hulog ka nang langit Zach.

"Tsaka paulan narin kaya umuwi na tayo." Dugtong nito at tsaka nagpaalam.

Tumingin ako sa bintana na mero'n sa gilid at nakita ang madilim na kalangitan, nyemas nayan.

Matapos ko magayos ng sarili ay lumabas na ako ng silid at nilock ito, binigay din saakin ang susi para pwede ako maglabas-masok dito para makapaglinis.

Soulbound SecretsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant