Chapter 5 - Club

714 53 1
                                    

"Never be afraid to try
something new because
life gets boring"
-

It's been two weeks, noong nagbar kami ni Toshi so far wala pa akong mabigat na problemang nakakaharap. naka-adapt na rin ako sa buhay ni Sid sanay na ako na tawaging dad and mom ang magulang nito at kaya kona rin makipagsabayan sa pamilyang stanford, sa loob ng dalawang linggo mas naging close ko si Sai at ena nakakabonding ko sila tuwing saturday at minsan sinasabay ko sa pagpasok si Sai at kung minsan hatid sundo kami ni Ate Ena sa school, nakakatuwa dahil ngayon ko lang to naranasan ang magkaroon ng kapatid.

Speaking of nagbar kami ni Toshi, nalaman nila vero at Zach ang bagay nayon kaya sobra sobrang sermon ang nakuha ni Toshi at syempre ako rin dahil bakit daw ako sumama kay Tosh eh alam ko naman daw ang ugali non, nalaman nila ito dahil may naglabas ng pic namin ni Toshi sa page ng clarion na magkasama kami mag-bar at habang kumakain sa restaurant ang caption pa eh tungkol sa nagddate raw ba kami ng patago jusmeyo nayan, ang reaksyon naman nung apat ay parang nandidiri lalo na si Priv dahil inaasar neto si Tosh .

About naman sa school, todo iwas ang ginawa ko kela Claire at Jake dahil sa nakakainis na muka ng siopao nayon puro kamalasan lang yata ang dala nya saakin, kay Claire naman parang ayos lang ang lahat lagi itong nakangiti saakin na parang masaya talaga sya pag nakakasalubong kami, weird sabi ni Zach dahil inaway ko raw ito last year pero ngayon eh sya pa itong lumalapit saakin. Sila Vero na rin mismo ang sumangayon sa gusto ko dahil gulo lang daw lagi pag nagkikita kaming tatlo.

At about kay Miss Cleo naman, wala na akong balita sakanya nang nalaman nila na nakasama ko sila Miss Cleo noong nagbar kami eh nasabi na isang teacher daw ito sa clarion, sikat daw ito sa pagiging strict pero ni isang beses eh hindi ko ito nakita sa loob ng university.

Nasabi rin saakin nila Vero na buti raw ay hindi na ako naghahabol kay Jake at pinapabayaan kona ito, syempre no pake ko sa unggoy nayon, nakakairita talaga yon feeling gwapo sarap dalhin sa zoo.

Araw ng linggo ngayon at andito kaming lima sa garden namin, sa likod ng bahay ng Stanford nagkakape at nagkukwentuhan ng kung ano ano lang.

"Oy, acquaintance week na pala simula bukas hanggang Saturday." Sabi ni Toshi habang naglalaro aa phone nya. Ah acquaintance isa ito sa magandang part ng story sabi ng marami noong nabasa ko ito dahil hindi "raw" nagtagumpay si ako na masira si Claire sa harap ng performance nito, sinira kasi ni Sid ang damit ni Claire para sa sasalihan nitong play kaya ayon.

"At eto pa, may mga bagong teachers daw ang ipapakilala bukas, sana kahit isa ay may gwapo na ipakilala." Kinikilig na hirit ni Priv habang nagmamake up na kakabibigay lang ni Ate Ena sakanya.

"Bakit daw? Hindi ka sure mare, hina mo naman." Asar ni Tosh kay Priv na ikinairap naman nito.

Si Vero naman ay nagbabasa ng libro na hindi ko makita kung anong title pero simula dumating ito eh yan na ang pinagkakaabalahan nya. Habang si Zach naman naglalaro rin kasama si Toshi ng codm kung tawagin nila, at ako? Eto nakatunganga habang sumisimsim ng kape.

"Sabi ni sir itlog, kailangan na raw mamili ng club ang wala pang nasasalihan dahil malaking event daw ang isasagaw ngayon" Dagdag na sabi ni Zach na nakatutok parin sa phone.

"True, excited na ako sa saturday you know party sa gabi." Nagniningning na mata ni Priv habang sumasabat ito, alam ko to sa last eh may gagawing ball para celebration sa successful na activity, bukas palang eh magsisimula na ang laban between sa lahat ng course kanya kanyang team at cheer, ang main sport dito at ay basketball for boys at volleyball for girls, matira matibay hanggang sa isang course amg matira at mag champion. Ang awarding nito ay umaga ng saturday at sa gabi ang ball.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now