Chapter 19 - Plan

490 41 1
                                    

"Be there for others,
but never leave
yourself behind."
- Dodinsky

"What is meiosis?!" Sigaw ng Prof namin sa harapan.

"Walang sasagot? High school palang kayo pinagaralan nayan kaya dapat alam niyo yan, sumagot kayo! Recitation to hindi isang lamay para tumahimik lang."

Second subject naming ngayon araw itong Biological Science, at naisipan nitong Prof namin na mag recitation, masasagot naman namin yan nila Vero kaso ang sabi n'ya siya amg tatawag kaya bakit kami sasagot kung hindi naman kami tinatawag.

Araw ng Wednesday ngayon, tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nag perform kami sa high school department. Akala namin pagpasok namin nung monday eh walang mangyayaring iba pero lintek daig pa namin ang mga artista dahil kinuyog kami ng mga tao sa gate palang, may nagpost pala ng vid naming anim habang nagpeperform hays hanggang ngayon eh gano'n ang nangyayari saamin ang hassle.

"Mr. Masuda stand up! What is meiosis?" Huli ka boi, nagalangan namang tumayo ang katabi ko at hindi mapakali kung saan babaling tawa-tawa pa ito kanina kasi yung iba naming kaklase eh hindi makasagot, ayan karma.

"Ano Ma'am.." Hindi ko ito pinapansin kahit kinakalabit na n'ya ako aba'y bahala s'ya jan baka madamay nanaman ako sa kalokohan n'ya eh "Uy Sid anong sagot." Bulong nito saakin, tangina.

"Ayan, puro kasi babae ang inaatupag eh." Bulong naman ng isa kopang katabi na walang iba kundi si Priv, ngumisi ito kay Tosh.

"Masuda! Sasagot kaba o bubulong kalang jan na parang bubuyog."

Nakakainis mang isipin na bakit kailangan pa ng science sa course na ito eh hindi naman namin magagamit yan pag nagtrabaho kami, pero dahil sa isang core subject ang science, hindi ito pwedeng mawala kahit anong course pa ang kunin mo, hay buhay.

"Miss Stanford, what is meiosis? Tutal naman yang katabi mo eh kalabit ng kalabit sa'yo" Tangina mo talaga Tosh, mamaya 'to saakin letse.

"Meiosis is type of cell division that reduces the number of chromosomes in the parent cell by half and produces a four non-identical daughter cells."

Deretsong sabi ko at umupo agad, hindi man ako matalino pero natatandaan ko ang mga bagay nayan kahit meaning lang, dahil sa mahina ako pumick-up eh kinakabisado ko nalang ang mga bagay-bagay.

"Very good! Meaning lang naman ang gusto ko malaman mula sainyo kulang man o buo, recap lang naman ito kaya kung anong alam niyo eh yon ang sabihin ninyo!"

Key words

"Next! What is the fertilization?"

Tumingin ulit ito kay Tosh at tinaasan ng kilay, etong katabi ko naman eh pangiti-ngiti lang jusme.

"Alam ko yan Ma'am, wait lang," Tangina baliw na talaga s'ya. "Fertilization is a fusion of sperm and eggcells that can development of a new organism" Pagyayabang nito at taas noo n'yang sinabi.

"Sit down!"

Hindi ko alam pero ngayon eh tumatawa kaming apat dahil kay Tosh may tama naman ang sinagot n'ya pero kasi yung way ng pagsasabi n'ya eh nakakatawa na aakalain mong mali ang sinasagot niya.

"Galing ko, ako lang to." Bulong n'ya saakin, tangina yabang ah.

Hindi ko nalang s'ya pinansin at nakinig nalang, Miss Cleo... Sa tatlong araw hindi ko s'ya nakita o sa madaling salita umiiwas ako, wala naman akong dapat na ikaiwas pero ewan yon ang sinasabi ng utak ko kaya ginagawa ko nalang.

"Class dismissed"

Napasandal ako sa upuan ng umalis ang Prof namin sa kwarto, kapagod tangina tapos may isa pa kaming klase mamaya jusme gusto kona umuwi.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now