Chapter 24 - Working

550 36 2
                                    

"Some villains are
not bad, they are
just real and true"
-

"Oy, Sidraaa"

"Sid... Sidraaa"

"Shut up, Toshi" Bored na sabi ko dito.

"Samahan mona kasi ako" Napatingin naman ako dito nang makita ang itsura nitong nakasimangot, daig pa ang bibe ampota grabe ngumuso eh.

"Bakit kasi naghahanap ka nang trabaho? Mayaman naman kayo" Kanina pa to nangungulit, mula sa school hanggang dito sa patriots. Nakakaumay, imbis na ngeenjoy ako uminom ng kape eh nahihilo ako sa kakaalog saakin nitong si kupal.

"Kanina ko pa kaya sinasabi yung dahilan, bakit parang... ngayon mo lang narinig..."

Gusto ko tumawa dahil sa muka nito na stress na stress, pero hindi ko talaga alam ang dahilan. Bukod sa hindi ako nakikinig eh marami akong iniisip.

"Bakit nga?"

"Kasi si mudracakes nga pinarusahan si Tantan, pati ako nadamay! Eh wala naman akong ginawa" Ahh hindi naman halatang galit s'ya kulang nalang may lumabas na usok sa ilong n'ya. Nasabi kona ba sainyo na may kambal si Toshi? Ngayon alam niyo na. Identical twins sila, at si Tantan yung isa.

"Tapos?"

"Syempre malapit na yung one week tour, wala akong pera mare. Kinuha lahat ni mudracakes yung cards namin ni Tantan tapos kung gusto raw namin ng pera eh magtrabaho kami. Pero kung mabait ka eh pautangin mo nalang ako" Ngiti nito saakin. Pwede s'ya maging rapper, infairness.

"Ano ka sinuswerte? Manigas ka jan" Actually pwede naman yung naiisip n'ya pero dahil parusa yon ni Tita ayoko makielam. Tsaka ano akala n'ya pag ngtrabaho s'ya eh sahod agad? Bugok, baka sumuko agad to sa first day palang n'ya.

May tinignan ito sa phone kaya tumahimik ang paligid.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung huling nakasama ko si Miss Cleo at yon na ang huli. Hindi na rin ito pumapasok sa University kaya ni isang sulyap eh hindi ko magawa.

Iniisip ko nga kung anong karapatan ni Miss na ireject ako eh nilandi n'ya rin naman ako, little star pa s'ya jan tapos gano'n. Ang demanding n'ya nga eh tapos pinalayas ako sa office che. Pasalamat talaga si Miss at maganda s'ya. Pero nevermind. Atleast naranasan ko lumandi at sa gano'ng kaganda pa.

Pero ang dami ko talagang iniisip.

Una na do'n ang palaging pagsama ni Colton saamin, s'ya na si kupal the second para saakin, ang kapal ng muka letse. Buti nalang ay pumayag si Vero sa sinabi ko, yun nga lang ay dalawang araw akong hindi pinansin, samantalang kay Colton ni-isang beses ay hindi pa nito tinignan manlang. Agoi mode. Hindi ko alam kung maaawa ako o hindi pero dahil kilala ko si Colton. Deserve.

Pangalawa, si Claire hindi ko alam kung nagkakataon lang o sadya yung laging pagkikita namin sa parking lot, hindi n'ya ba pansin na nilalayuan ko s'ya harsh na kung harsh ayoko lang ng gulo. Jusme.

Last si Sai, nagising na s'ya pero never itong nagsalita. Sa tatlong araw na nagising s'ya ay ang tanging ginawa n'ya lang ay manood ng tv, matulog at kumain. Sabi nang doctor ay baka na trauma ito dahil sa malalang natamo. Kahit umiyak kami nila Mama ay tinignan lang kami nito na parang sinasabing "wala akong pake" kaya simula rin non ay pinagbawalan nila Dad na laging may bumibisita dito, hayaan muna raw namin si Sai.

At si Nana? Wala paring malay, lagi kong nakakasabay si Anna at halata na dito ang pagod dahil sa pagbabantay.

"Ah ang daya, tinulungan kaya kita sa paglilinis mo sa library" Reklamo ni kupal.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now