Chapter 38 - Again

451 40 9
                                    

Hello! It's been a while, first of all thank you pa rin sa nagbabasa nito at sa nagv-vote, at naglleave ng comment, I really appreciate that, thank you sa paghihintay.

Grammatical errors and typos ahead.

Sidra's (Chel) Pov.

"Pa'no ko ba yayayain si Claire?"

"Sid, sa tingin mo papayag ko si Claire?"

"Kinakabahan ako putangina."

"Shit, h'wag mo'ko iwan mamaya ah."

Tangina naman nito, ang ingay-ingay akala mo naman mamamatay s'ya sa gagawin n'ya.

"Sid---"

"Tosh, tatanungin mo lang si Claire kung pwede ba s'ya ang makapartner mo sa ball, hindi ka naman mamamatay mamaya." Inis na tingin ko dito, napakaingay naman kasi akala mo bading.

"Hindi mo kasi ramdam ang nararamdaman ko, palibhasa napapayag mo agad si Levy eh pa'no naman ako?!"

Oa naman nito may pahawak-hawak pa sa dibdib sakto sa may puso n'ya na akala mo talaga inaatake ng matindi yung heart n'ya pag hindi pumayag si Claire.

Speaking of napapayag, pagkakitang-pagkakita ko pa lang kay Levy nung lunes ay tinanong ko agad ito at pumayag naman s'ya agad dahil sa katunayan ay wala pa raw ito nahahanap na makakapareha kaya gumaan ang loob ko kahit papaano dahil hindi ko na kailangan pa tanungin si Cleo.

Takot parin ako gumastos no, pag natalo ako dito edi ako ang kawawa sa outing namin.

Poor pa rin ako kahit mayaman tong si Sid.

"Bumalik kana nga do'n, may isa kapang game na lalaruin, tsaka kasama ni Colton yon mamaya kaya galingan mo."

Natuod naman itong katabi ko dahil sa narinig, tinapik-tapik ko pa ang balikat nito at napailing, parang gago talaga.

"Mas lalo mo'kong pinapakaba eh!"

"Arte mo, bahala ka jan, puntahan ko na sila Vero sa may bleachers."

"Sid!"

Kung hindi ko nahalata na gusto n'ya si Claire eh iisipin ko na bakla s'ya sa sobrang ingay, mas masakit pa minsan ang boses ni Tosh pag nagsasalita ito dinadaig si Priv.

Naglakad ako papuntang bleachers para makaupo na dahil parami na ng parami ang mga tao na pumapasok sa gym, natanaw ko sila Vero na naupo at seryosong nakatingin sa binabasa n'ya. Hanga talaga ako dito dahil nagagawa n'ya mag concentrate kahit na napakaingay ny paligid.

"Yo."

"Sa'n ka galing? bigla kang nawala." Bungad ni Zach.

"Hinatak ako ni Tosh sa labas, nababading nanaman yung loko akala mo babae sa arte."

Napailing naman itong kausap ko at tinapik ang pwesto sa gilid nito at dun ako umupo, napapagitnaan nila akong dalawa ni Vero kaya i feel safe.

"Water?"

Ini-abot sa'kin ni Vero ang tumbler n'ya at tumigil na rin ito magbasa, kinuha ko ito at uminom, nakakadry ng lalamunan kausap si Tosh eh.

"Muka kang stress Ver, are you okay?" I asked.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now