Chapter 2 - Characters

1K 59 0
                                    

"When i let go of what i am,
I become what i might be."
- Lao tzu

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto nang kwarto ko para lumabas dahil napagisip-isip kona puntahan ang apartment ko para hanapin ang katawan ko at makita kung anong nangyari saakin.

Sana lang ay makapunta agad ako do'n at maging familiar sa lugar na 'to.

Sumilip muna ako ng dahan-dahan para tignan kung may tao ba, ayoko ko muna makasalubong yung mga tao dito o nang kahit sino, kahit maid, at mas lalo na yung nasa frame kanina delikado na dahil wala naman akong kaalam-alam dito, muka akong magnanakaw sa lagay kona ito pati paglalakad eh dahan-dahan din para hindi ako maka-likha nang tunog upang hindi nila mapansin.

"Bolaga." Salita ng nasa likod ko.

Napalundag ako sa gulat, takte naman gusto ko magmura at murahin kung sino man tong peste na nasa likod ko pero dahil sa gulat ay hindi ko magawa, nang paglingon ko sa likod ay doon ko nakita ang isang lalaki na binata kung ilalarawan ko dahil sa matangkad at payat ito akala mo hindi pinapakain, gwapo kung idedescribe ko.

Putangina naman mura ko sa isipan ko, sabi ko ayoko muna makipaginteract eh, ito yung isa sa kapatid nitong katawan nato na nakita ko sa frame shuta napakamalas naman.

Pa'no ko nalaman na kapatid? Magkahawig eh.

"Hey! Earth to Sid, nakatunganga ka jan Ate? Gwapong-gwapo ka naman sa'kin, ikaw ah." Tusok nito sa tagiliran ko habang nakangiti itong nagsasalita at umiiling-iling pa.

Sampalin ko kaya to ng matauhan peste ka ah. Sinamaan ko lang ng tingin at hindi na pinansin shet nayan ayoko na. Nakakaubos ng lakas kahit umaga palang parang ayoko lumabas ng kwarto na iyon.

"Ate, ate, uy Ateeeee." Sunod-sunod na sabi nito, punyemas masasampal ko talaga to ayaw tumigil eh hindi ba halata na ayoko makipag-usap,

Hindi-hindi kalma self kalma. Hingang malalim at buga. Pagpapakalma ko sa sarili ko dahil nauubusan na ako ng pasensya sakanya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko nang dahan-dahan, ayoko sa makulit pero kailangan ko kumalma dahil hindi ko naman ito kakilala kahit nakita kona s'ya sa frame sa may kwarto.

Nakatulala ito habang nakatingin saakin, napakunot naman ang kilay ko sa ginagawa n'ya ano bang mero'n at ang weird ng mga tao dito bigla-biglang natutulala pag-nagsasalita ako takte nayan, Ikaw din naman weird sabat ng utak ko, tangina ah epal.

Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat "Ate ikaw bayan? Ikaw ba talaga yan? Hindi kaba napalitan? Baka kulang kapa sa tulog." Puro tanong punyeta nakakahilo dahil niyuyugyug pa ako nito, parang tanga, gwapo pa man din eh sayang.

Tinaasan ko nalang s'ya ng kilay at umalis dahil nakita kona ang hagdanan pababa, letseng bata yon hindi mo alam kung nakahithit sa kulit mapapasana-all ka sa energy nya, kung sya mapunta sa sitwasyon ko eh baka umiyak na yon che.

Masyadong malaki ang bahay nato nakakaligaw, pagkababa ko palang eh napakalawak na sala ang naabutan ko ngunit walang tao ang makikita, pero mas mabuti nayon dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mero'n nanamang sumulpot, habang nagiikot-ikot ang mata ko, nakakita ako ng isang glass na cabinet puro medals, trophy, frame ang nandoon lumapit ako upang mag obserba.

Sairon Seth M. Stanford

Unang frame ay yung lalaki kaninang naabutan ko, si kulit, graduation pic ito noong elementary s'ya halata sa itsura dahil napakabata pa nya dito, kung iisipin high school palang ito ngayon base sa pago-obserba ko.

Sunod naman ang isang babae. May baby picture rin. Binasa ko ang pangalan.

Sienna Nyx M. Stanford

Soulbound SecretsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant