Chapter 29 - owT part 3

497 44 10
                                    

"I wonder what it’s like
to be loved by you."
– Wonder, Shawn Mendes

"Akala namin nagc-confess na sa'yo kanina si Miss Clarion, yun pala kabaliktaran" Ngiwi ni Tosh sabay inom ng alak. Akala mo s'ya yung broken at nakakailang bote na.

"Sabi na eh mga redflag yang prof natin" Reklamo naman Priv.

Oh giliw naririnig mo ba
Ang yong sarili
Nakakabaliw lumalabas
Sa yong bibig

Putanginang kanta yan, napakaganda puta. Kung sino man nagpapatugtog. Madulas ka sanang hinayupak ka.

Alam kong uto uto ako
Alam ko na marupok
Tao lang din naman
Kasi ako

Wala parin akong gana magsalita at si Vero lang ang nakakaalam nung totoong nangyari dahil sa narinig n'ya lahat ang usapan namin, habang sila Tosh ay nakatanaw lang sa malayo nung oras nayon.

Tangina talaga nung nagpatugtog, bwiset. Sinong uto-uto? Hindi ako marupok! Che.

May nararamdaman din ako
Di kasi manhid na tulad mo
Alam kong sanay bumitaw
Ang isang tulad mo

Nasa isa kaming bar na malapit lang sa hotel dahil may activity pa mamaya kaya bawal kami lumayo at syempre kasama namin sila Hera kaya bantay sarado kami.

Lalayo na ba ako
Pano naman ako
Nahulog na sayo
Binitawan mo lang ba talaga ako

Ang sakit parin ng mata ko pero huminto na akong umiyak dahil sa mga pinagsasabi nitong mga walangya kong kasama.

"Tangina Sid, gago yung nagpapatugtog. Sinakto sa'yo pota" Oh tamo, walangya talaga tong si Tosh eh. Isa kang gago.

Nakaka-isang oras na yata kami dito, hindi kona rin mabilang kung ilang bote na ang naiinom kong red horse. Oo red horse lang naman. Ewan ko ba kela Colton at ito ang binili sa daming alak na mero'n dito.

Pero kahit ganito ay buti na-adapt ng katawan ni Sid ang pagiging high tolerance ko sa alak, nasanay na kasi ako na kada lakad ko saamin non ay tumatagay ako.

"Baka pwede pa Sid, pinapalayo kalang pala eh. Daanin natin sa dahas!"

Yan ang sinabi ni Vero sakanila, na pinalayo lang ako ni Miss dahil hindi pwede ang ginagawa namin at hindi iyon natural. Pero ang totoo ay mas masakit pa ang sinabi nito talaga saakin.

Kahit sa'n ko tignan na angle ay lalabas at lalabas na pinaglaruan lang talaga ako nito at para narin sa pananakit ko kay Claire.

Kung bakit kailan nagiging maayos ang relasyon namin ni Claire ay ganito ang susunod na mangyayari. Tsk.

Wala rin namang magagawa ang pagiyak ko o kahit magwala ako ay walang mababago, nangyari na eh. Bakit ako yung sumasalo sa mga kalokohan ni Sid? Ang unfair ah.

Saamin pito ay si Colton lang ako naninibago, bukod kasi sa tahimik ito ngayon ay parang ang lalim ng iniisip. Sa dami kong problema ay wala dapat akong oras na broken hearted lalo na't walang ganito sa story, hindi ako pwedeng makampante.

"Tara maglakad-lakad para mahimasmasan kayo, malapit na mag 9"

Yaya ni Zach na sinangayunan naman nila Vero, tumayo kami at si Hera na ang nagbayad at sabay-sabay kami lumabas ng bar.

"Colton" Mahinang tawag ko dito at nilingon ako nito, sumabay ito sa lakad ko nagpahuli kami ka-onti.

"Sid?"

"Do you know something?"

Umiling ito pero hindi nakatakas saakin ang paggalaw ng mga nito na parang hindi mapakali sa nangyayari.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now